top of page

UNSPOKEN LETTERS

Unspoken Letters (2023)

Directed by: Gat Alaman


Gaya ng poster nila na tadtad ng maraming text, logo at font, tadtad din ang pelikulang ito ng sobrang daming bagay.


Sobrang dami at haba ng mga usapan. Sabi unspoken, pero hindi na sila natapos kakasalita. Karamihan ay hindi na kailangang marinig pa. Andaming pwedeng tanggalin. Ambagal umusad ng mga eksena.


Sobrang daming cast. Kanya-kanya silang acting showcase. Sayang dahil magagaling at beterana naman ang karamihan sa kanila, pero lahat sila ay hindi nagabayan nang mabuti.


Ang pormal ng mga salita. Para silang nasa dulaan. Masyasong pilit ang mga linya. Halatang nagsasalita lamang sila sa harap ng kamera. Nakakarindi din ang mga sigawan nila.


Sobrang daming mensahe ng pelikula pero hindi ito naibahagi nang maayos. Hindi rin napag-usapan ang mga sakit na sinasabi nila. Kulang pa ito sa tamang representasyon at karampatang aksyon.


Nag-iiba ang kulay ng bawat eksena. Hindi consistent ang mga kuha. Paulit-ulit ang flashback transition effects at slow motions na hindi naman okay.


Hindi maganda ang scoring at ang sounds. Tunog action scene ang naririnig mo kahit drama ang ipinapakita. Nagtangka rin silang maging musical. Ang awkward pakinggan.


Sobrang dami pang pwedeng sabihin sa pelikula.

Pero nakakatamad nang isa-isahin pa.

Hayaan na natin na ito’y maging unspoken.


UNSPOKEN LETTERS

Rating:  -1/5


Cast: Simon Ibarra, Gladys Reyes, Matet de Leon, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Orlando Sol, Christine Samson, Dennah Bautista, Markus Joseph Manuel, Edmund Santiago, Lotlot Bustamante, Deon Bautista, Angel Laco, Dhanniel Manaois, Dwayne Bialoglovski, Princess Bustamante, Sean Guyamin, John Heindrich Sitjar, Stanley Abuloc, Jhassy Busran

Presented by: Utmost Creatives

Date Released: December 13, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

1 comment
bottom of page