top of page

UNTIL SHE REMEMBERS

  • Feb 26
  • 2 min read

Until She Remembers (2026)

Written & Directed by: Brillante Mendoza


Merong tatlong magagaling na aktres. Akala mo sapat na yun para ma-enganyo at ma-sabik ka sa pinapanood mo. Pero hindi pala.


Paano ka madadala eh halos wala namang nangyayari. Nakatutok palagi sa kawalan. Kahit alam mo na kung saan papunta ang istorya, naliligaw pa rin ang direksyon.


Sabi nila, walang script ang pelikulang ito. Halatang halata dahil andaming eksena na hindi nakakatulong sa kabuuan ng istorya. Pilit pinapahaba kahit wala nang maipakita. Andaming filler scenes na walang kwenta.

Karamihan sa mga linya ay basta-basta na lang. Wala na silang masabi sa tuwing nag-uusap sila. May dula-dulaang naganap, pero wala ka ring mahugot sa pinagsasabi nila. Ang pinagdaanan ng mga bida ay siningit-singit na lang.


Balewala ang husay ng mga bida. Ang mabibigat sana nilang eksena ay bigla-biglang dumarating. Andaming karakter na walang silbi. Puro ngawa lang at walang kontribusyon sa mga nangyayari.


Pati mismong hitsura ng pelikula ay nakakadismaya ring tingnan. Nag-mukha siyang hidden camera show. Puro likuran ang madalas na nakikita.


Kapag dalawang tao ang nasa screen, hindi nakukuhanan nang maayos ang kilos nilang dalawa. Malabo ang ilang kuha. Hindi nito nasusuportahan ang pag-iyak ng mga artista. Nakaka-distract ang mga anggulo.


Kahit hindi pa tapos ang pelikula, gusto mo na itong sukuan. Makakalimutan mong nasa sinehan ka. Ang sarap humimlay sa higaan.


Napaka-forgettable ng experience. Ang tanging maaalala lang dito ay kung paano nasayang ang talento ng mga artista.


𝐔𝐍𝐓𝐈𝐋 𝐒𝐇𝐄 𝐑𝐄𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒

Cast: Charo Santos-Concio, Barbie Forteza, Boots Anson Roa-Rodrigo, Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Sigiuon-Reyna, Perla Bautista

Presented by: Solar Pictures and Centerstage Productions

Release Date: February 25, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page