top of page

US AGAIN

Us Again (2020)

Directed by: Joy Aquino


This movie is confused on what story it wants to tell. Sa kagustuhan nilang sabihin lahat, hindi naging buo ang kwento. The storytelling is not cohesive. The tone is uneven. The execution is shaky—literally and figuratively.


Kasabay ng pag-nginig ng kamera ay ang pag-guho ng kanilang palabas.


Magaling ang mga artista. Pero hindi sila nabigyan ng magandang istorya. Pati yung supporting cast, hindi nabigyan ng maayos na exposure.


The characters keep mentioning about their aspirations in life, but the movie is too selfish to show its progress. There is no evolving lifestyle presented. Ang mga pangarap nila ay lumipad sa sariling nilang agos nang hindi tayo kasama.


All the circumstances were forcefully aligned for the leads to fall in love with each other. Still, they failed to share a decent love story.


Karamihan ng kaganapan ay puro iyakan, kulitan at sagutan. Pero walang eksena na madarama mo ang pagmamahalan. Their story shows no stages. They keep inserting scenes without building them up. Hindi mo alam kung paano sila nahulog sa isa’t isa.


Ang hirap kumapit sa isang relasyon na hindi mo alam kung paano nagsimula at lumago. Wala kang makapitan na magandang dahilan kung bakit gusto mo silang magkatuluyan.


All their pains, hardships and realizations seem apathetic afterwards.


Gagawa sila ng problema na hindi mo alam saan nanggaling. Pinilit magkaroon para may pag-awayan. A self-inflicted conflict that’s unnecessary, accompanied by an easy solution that’s unsatisfactory.


Meanwhile, there are other existing issues that are more compelling of a proper discussion. But the resolution they provided is underwhelming.


Para ayusin ang buong palabas nato, nagbigay sila ng pasabog sa huli. Instead of containing the damage, the major twist exploded out of proportion because there’s no strong foundation to support it in the first place.


The movie puts a little of bit of every other thing that don’t add up to a common direction. Except for the soundtrack that works just right, all the other elements don’t fit perfectly.


Marami silang mga bagay na dinaanan.

Pero ni isa duon ay wala silang tinamaan.


US AGAIN

Rating: 0/5


Cast: Jane Oineza, RK Bagatsing, Jin Macapagal, Sarah Jane Edwards, Miko Gallardo

Presented by: Regal Entertainment, Inc.

Date Released: February 26, 2020 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page