top of page

VIDEO CITY

Video City: Be Kind, Please Rewind (2023) Directed by: Raynier Brizuela


A man from the present meets a woman from the past inside 𝘝𝘪𝘥𝘦𝘰 𝘊𝘪𝘵𝘺, a famous store in the 90s where you can rent movies in VHS format.


The story is not related to 𝘝𝘪𝘥𝘦𝘰 𝘊𝘪𝘵𝘺 nor the movies. There are no nostalgic moments. There’s no correlation between the past happenings and the current events. The lines from famous movies are just part of the quotes. The movies are literally just part of the background.


Sayang ang concept nila. Kahit walang 𝘝𝘪𝘥𝘦𝘰 𝘊𝘪𝘵𝘺, makaka-survive pa rin ang kwentong ipinakita nila. Ang time travel ay basta-basta lang ding inilagay.


Maganda ang soundtrack. Nakakadala ang mga eksena kapag pinapatugtog na ang “Tag-ulan” na ni-revive ng bandang Fourplay.


Nakakatawa si TJ Valderrama. Magaling si Ruru Madrid. Sapat ang naibibigay niyang emosyon para madala ka sa iilan niyang mga eksena. Samantalang si Yassi Pressman ay kinakapos pa.


Hindi okay ang mga shots. Masikip. Hindi ka makahinga. Nakakahilo rin minsan. Malakas ang scoring.


Hindi maganda ang flow. Mabilisan at walang nabubuong samahan. Hindi mo makikilala nang lubusan ang mga karakter. Buong araw lang silang naglalandian. Wala silang kanya-kanyang buhay. Hindi makabuluhan ang mga usapan. Hindi sapat ang ipinakitang eksena para magkaroon ng lalim ang mga binibitawan nilang salita.


Mahirap maging kind sa pelikulang ito dahil andaming butas. Hindi kayang punan kahit i-rewind pa.


VIDEO CITY

⭐️ Cast: Ruru Madrid, Yassi Pressman, TJ Valderrama Presented by: Viva Films, Studio Viva Date Released: September 20, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

2 comments

2 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Dec 23, 2023
Rated 1 out of 5 stars.

What a waste of a good concept 😪

Like

Florence Jay Munar
Florence Jay Munar
Dec 05, 2023
Rated 2 out of 5 stars.

Not gonna lie, sayang 'tong concept. 😫

Like
bottom of page