top of page

VIRGIN FOREST

Virgin Forest (2022)

Directed by: Brillante Mendoza


Gubat na may masamang damo

ang napasukan ng isang photographer.


Will he capture the forest’s beauty?

Or will he expose the negatives?


Whenever Sid Lucero is in Vivamax, you can expect him to deliver. He is the only male actor in this movie that gave an effortless acting.


For the female cast, Alma Moreno, Rob Guinto, and Angeli Khang managed to carry a scene.


Palamuti na lang yung iba.


Masipag gumiling si Vince Rillon. Hilaw umarte ang Kanong Trio na sina Markki Stroem, Ivan Padilla at Greg Hawkins.


Ang mga ibang babae, lakad at tingin na nga lang ang gagawin ay hindi pa magawa nang mabuti.


Mas mapangahas pa umarte ang mga ahas.


Matapang ang ending.

Makabuluhan ang nais ibigay na mensahe.

Sakto ang simbolong hatid ng Rafflesia.

Nakatulong ang paglapat ng nakakatakot na tunog para abangan mo ang mga susunod na eksena.


Mas inatupag nga lang ang pagpapakita ng laman. Parang may quota sila kung ilang babae ang mahuhubaran.


Naubos ang oras sa fashion show at maze quest sa luob ng forest. Kakaunting sandali na lang ang natira para buohin ang kwento.


Another Body over Story.

Another lost opportunity.


VIRGIN FOREST

⭐️⭐️


Cast: Sid Lucero, Vince Rillon, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins, Angeli Khang, Rob Guinto, Alma Moreno

Presented by: Viva Films, Center Stage Productions

Date Released: June 24, 2022 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page