top of page

DAYO

Dayo (Vivamax 2024)

Directed by: Sid T. Pascua


Isang babae ang lumayas sa kanyang tirahan, at naging dayo sa ibang lugar.


Minsan mabilis silang magkwento. Minsan matagal. Biglang nawawala ang direksyon tapos bigla ring bumabalik. May ilang plottwist na nangyayari na lang agad.


May eksenang hindi ipinapakita kahit kailangan. May eksenang antagal ipinapakita kahit hindi na kailangan. Meron ditong 7 minuto na paulit-ulit lang ang nangyayari. Isang mahabang music video na puro karagatan at kantutan lang ang ipinapakita.


Hindi masyadong palaban ang editing at ang cinematography. Hindi nito nasabayan ang magagandang agos ng La Union. Ngunit pagdating sa simple at mapayapa nilang pamumuhay, yun ay kanilang naipakita.


Gumagamit sila minsan ng Ilocano dialect. Naisingit din nila ang halaga ng likas na yaman at ang pag-aalala sa mga pawikan. Masayang mapakinggan ang ilang kantang pinatugtog.


Kapag nakatutok sa mga usapan, duon gumaganda ang pelikula. Nakikilala mo ang mga karakter. Naibabahagi nila ang kanilang mga hinaing sa buhay. Ang mga linyahan ay may angking katotohanan.


Maayos ang aktingan ng mga bida. Ramdam ang pagiging palaban ni Rica Gonzales. Nakakatuwang masaksihan ang pagiging biba ni Audrey Avila. Nagagawa niyang buhayin ang ilang eksena. May koneksyong nabubuo sa paggitan nina Rica Gonzales at Calvin Reyes. Nagkaroon muna sila ng samahan bago sila maglampungan.


Maganda ang huling mga eksena at ang mga linya. Siksik ang istorya. May laman at hindi lang puro katawan. Mas magiging maganda sana ang kabuuan ng pelikulang ito kung mas naging pulido ang direksyon.


Sa listahan ng mga Vivamax movies,

ito ay isang dayo

dahil ang layunin nito ay magkwento.


DAYO

Rating: 2/5


Cast: Rica Gonzales, Marco Gomez, Audrey Avila, Calvin Reyes, Nathan Rojas, AJ Oteyza, Elmo Elarmo, Charlie Kumar, Mica Nicdao, Bonjon Jose, Zenaida Reyes, Jovits Nisperos, Sue Prado

Story by: Sid T. Pascua

Sceeenplay by: Sid T. Pascua, Quinn Carillo

Presented by: 3:16 Media Network, Vivamax

Release Date: April 19, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1.5

Emotions:  2.5

Screenplay:  3

Technical:  1.8

Message:  2.5


AVERAGE SCORE

Dayo:  2.26

1 comment

1件のコメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
ゲスト
4月20日
5つ星のうち5と評価されています。

🔥

いいね!
bottom of page