When The World Met Miss Probinsyana (2024)
Directed by: JP Bautista-Ninalga
2 hours and 30 minutes ang running time nitong pelikula. Makatwiran ba ang haba nito?
Andaming eksenang pwedeng tanggalin at paiksiin. Ang tamad ng pagkakasulat. Cinopy-paste lang ang resumé ng isang tao, tapos hindi na inedit para maging isang ganap na pelikula. Maganda sana ang istorya, pero hindi maganda ang pagkakakwento.
Sa dami ng gustong ilagay, naging chop suey na siya. Nagmistulang YouTube series with 6 different chapters. Sabog ang pagkakatahi. Parang raw footages ang napapanuod mo na hindi na dumaan sa post production.
Company AVP about employee discrimination ang simula. Biglang naging romcom. Tapos nonstop dramarama. Nagsingit ng mga stock photos at videos. Lumabas ang ghosts at visual effects. Merong ASAP prod number. Magpakailanman ang naging finale.
Ang pagiging probinsyana ay pinagsiksikan lang sa ilang eksena. Ang kanyang paglalakbay ay mabilisang nangyayari. Natatapos ang mga problema sa isang upuan. Kahit sobrang haba ng pelikula, ang konti pa rin ng kanilang naipakita. Dinaan lahat sa mga salita.
Paulit-ulit ang mga linya. Ang haba ng mga explanation tapos pares parehas lang ang sinasabi. Ang mga extra ay halatang nagbabasa ng script. Walang mga emosyon. Sina Rhian Ramos at Sid Lucero lang ang maayos umarte rito.
Having a good story and cast are not enough to make a good movie. Having more than 2 hours of screentime is not reasonable for this movie. Everything they’ve shared can be compressed into a 2-fold brochure and it could’ve been more impactful.
At the end of the day, it all boils down to how the story is presented to the world. Unfortunately, their presentation didn’t meet any expectations and it needs a lot of fixing.
𝗪𝗛𝗘𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗘𝗧 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔𝗡𝗔
Rating: 0/5
Cast: Rhian Ramos, Sid Lucero
Written by: Eligio Ninalga Jr.
Presented by: Global Impact Productions
Release Date: August 7, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -1
Emotions: 0
Screenplay: -2
Technical: -0.2
Message: 1
AVERAGE SCORE: -0.44
Comentarios