top of page

WISH YOU WERE THE ONE

Wish You Were The One (2023)

Directed by: Derick Cabrido


Sapat na ba ang tadhana

upang magkatuluyan ang dalawang tao?


Hindi sapat ang mga salita para masabing maganda ang pelikulang ito. Kailangan mo itong maramdaman.


Ibibigay nila lahat. Makukuha mo sila nang buong buo. Hindi sila takot na magpaka-totoo. Pati kapintasan nila ay handa nilang ipakita sa’yo. Kung kaya mo silang tanggapin sa taglay nilang kagandahan, mamahalin mo rin ang kanilang kahinaan.


Masayang panuorin ang mga artista. Kahit sunod-sunod ang mga punchlines, bentang-benta pa rin. Pero huwag makampante dahil ang kanilang tawanan ay kaya nilang gawing iyakan.


Magaan ang atake sa mga eksena, pero mabigat ang mga salita. Tumatagos ang mga linya. May mga kwento sa likod nito. Buong buo ang pagkakasulat para sa mga karakter.


Tadtad ng impormasyon ang pelikula, ngunit hindi ka malulunod sa lahat ng ibinibigay nila. Maganda ang pagkaka-kwento. Malinis ang pagkaka-edit. Andaming nangyayari pero maayos ang pagkakatahi. Napakahalaga ng plottwist nila para magkaroon ng saysay ang mga ilang desisyon nila sa buhay. Mas magandang tanggalin ang pinakahuling ending, pero hindi na rin masama kung ito’y andiyan.


Isang araw lang ang karamihan sa mga kaganapan, pero nakilala mo pa rin sila nang lubusan. Dalawang magkaibang mundo ang madalas ipakita, pero ang dalawang iyon ay parating nagiging isa. Nakaka-inlove ang mga kantang ginamit. Nakakadala ang scoring. Pang-fairytale ang ganda ng cinematography, pero tagos hanggang realidad ang mga nangyayari.


This film didn’t leave anything to chance.


Pinagtrabahuan ng pelikulang ito kung ano ang meron sila ngayon. Gumawa sila ng mundo na masarap kapitan at mahalin. Kapag nakapasok ka na sa mundong iyon, humanda ka. Hindi ka na makakalabas. Mahirap nang kumawala. Naging bihag ka na ng pagmamahalan nila.


Sana parating ganito ang pelikula.


Masarap mahalin.

Mahirap pakawalan.


Huwag mong pakawalan ang pelikulang ito.


WISH YOU WERE THE ONE

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Bela Padilla, JC Santos, Andrea Babierra, Franki Russell, Kean Cipriano, Andrew Muhlach, Cheska Ortega, Peach Caparas, Charizz Po, Itan Rosales, Che Ramos-Cosio, Romnick Sarmenta

Story and Screenplay by: Enrico Santos

Presented by: Viva Films, Studio Viva, Manila Envelope, Clever Minds Inc.

Release Date: August 23, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

3 comments

3 comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
Obtuvo 5 de 5 estrellas.

I watched this on Netflix around 2 weeks ago and I agree! Napakaganda ng pelikula na ito. Hindi ka bibitinin ng bawat eksena at talagang mapapatutok talaga ang mga manonood dahil ang suave lang rin ng takbo from highs to lows and vice-versa. Tapos Bella and JC pa 'to. Galing ng bitaw ng salitaan eh.

Mapapa-what if ka rin talaga kung nasa sitwasyon ka nila.

Me gusta

Invitado
21 ene

Bakit pOH dko xa mkita sa netflix

Me gusta

Invitado
19 ene

ok lang😐😐😐

Me gusta
bottom of page