top of page

YEMAYA

  • 4 days ago
  • 2 min read

Nakaka-wow yung set design. May buhangin talaga sa gitna. Tapos may reveal sa bandang dulo, kung saan mas lalo ka pang mamamangha sa kanilang entablado.


Masarap sa mata ang mga karatula. Nagamit nang husto ang mga ilaw at ang mga tunog upang palawakin ang imahinasyon. Mula sa amoy ng balahibo hanggang sa lamig ng coke, naibabahagi nila ito.


Kuhang kuha ni Benedix Ramos ang pagiging makulit at inosente ng isang bata.


Pansin na iniiba ni Sheena Belarmino ang kanyang boses at kilos upang bumagay sa sitwasyon, pero napanindigan naman niya ito. Hindi siya bumitaw sa karakter.


Hindi masyadong ramdam ang presensya ni Anthony Falcon, ngunit matino naman siyang umarte.


Bituin Escalante has the voice of a goddess. There’s something ethereal about her presence that draws you to her every time she’s on stage.


A delight to watch, Sheenly Gener is very comfortable on stage, and it shows in how naturally she carries herself.


Herbie Go feels like a comic book character coming to life. He delivers an animated portrayal rich in emotion, mixing humor with heart.


Maayos umarte ang ensemble. Pinaghusayan ang set design. Nakakadala ang lights at sounds. Ang pinaka-mahina ay yung mismong material. Mula ito sa Cuban play na 𝘠𝘦𝘮𝘢𝘺𝘢’𝘴 𝘉𝘦𝘭𝘭𝘺 (Quiara Alegría Hudes). Sinalin sa wikang Tagalog.

Ang istorya ay tungkol sa kahirapan. Ginamit nila ang karagatan upang makatawid sa maginhawang buhay. Hindi naman malalim ang mga salitang ginagamit. Mabilis siyang maintindihan. Ngunit mahirap siyang seryosohin.


Para kang nakikinig ng chismis mula sa kapitbahay. Pasok sa tenga. Labas sa kabilang tenga. Hindi siya nanatili.


Bigla ka na lang makakarinig ng monologue. Patay na pala si ganito. Nasusunog na pala si ganyan. Hindi mo man lang nakilala kung sino ba ang mga yun. Walang build up bago sila magdrama. Nagmukha tuloy random ang mga hugot.


Maganda sana yung ibang mga lines, pero walang emphasis kung paano nila ito sinasabi. Tulad nung presidente at diktador, tapos yung tungkol sa mahuhulog at pinaka-ibaba. Dumaraan lang sila nang hindi nabibigyan ng pansin.


Pati ang mga karakter ay dumaraan lang din. Magpapakita at makikipagkwentuhan, tapos mawawala na. Hirap silang makabuo ng mga relasyon na kakapitan mo. Hindi exciting ang mga impormasyon na nalalaman mo tungkol sa kanila.


Hindi mo alam kung saan papunta ang istorya. Wala kang masundan. Kahit kailan ay pwede siyang matapos nang hindi mo namamalayan.


May mga dula na pagkatapos mong mapanood ay magagandahan ka. Meron din namang mapapangitan ka. Pero dito, hindi mo alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Sa huli, para kang lutang at nanaginip sa kawalan.


Ang kahirapan ay hindi ramdam. Ang paghangad sa maginhawang buhay ay hindi naging kaabang-abang.


Sadyang hindi nakakabusog ang mismong kwento. Ngunit kapuri-puri ang mga technical na aspeto.


Kung nakakamangha na set design, lights, sounds, at visuals ang hanap mo… YEMAYA na ang bahala sa’yo.


Director and Set Designer: Ed Lacson Jr.

Music and Sound Designer: Teresa Barrozo

Assistant Set Designer and Art Director: Wika Nadera

Costume and Prop Designer: Ericson Navarro

Lighting Designer: Jethro Nibaten

Technical Director: Sheik Completado



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page