top of page

YOUNG BLOOD

  • 3 days ago
  • 2 min read

Young Blood (2026)

Directed by: Rember Gelera


Inuman session, pero kulang sa amats. Gustong magpatawa, pero ang tamlay ng mga eksena. Walang buhay ang direksyon. Walang gana ang pagkaka-edit.


Malamya ang mga shots. Kahit anong gawin ng artista, naka-steady lang ang kamera sa tabi. Umaalog na lang bigla ang kamera dahil baka nasagi. Parang tinamad nang ayusin.


Let’s party daw, pero parang nasa lamay ang vibe.  Nag-aaway na pala, pero ang chillax ng mood. Tunog radyo show ang audio dubbing. Hindi makatotohanan.

 


Naka voice call yung cellphone, pero nagpapakita ng mukha. Kakarating lang, pero aalis na kaagad. Puputulin na ang relasyon, eh halos wala pa ngang nasisimulan. Nililipat ang eksena sa iba, kahit wala pang nangyayari. Hindi mo na alam kung ano pa bang aabangan mo.


Parang reenactment portion kung paano ipinakita ang buhay ng matatanda. Masyadong pilit ang pagiging bata. Dinaan na lang sa suot para lang masabing may pagkakahalintulad sila. Kapos sa istorya at leksyon. Ang lousy kung paano ibinunyag ang kanilang mga problema, tapos tatapusin lang din agad-agad.

 

 

Dahil sa kanyang tikas, si Argel Saycon ay may potensyal sana na pag-bidahan ang ganitong klaseng mga palabas na para sa mga barkada at komedya. Ngunit kailangan pa siyang pigain at gabayan para lumabas ang kanyang natatagong emosyon.


Aljon Mendoza has that young-blood appeal that looks good on screen. Pero masyadong kalkulado ang kanyang pananalita at galaw sa palabas na ito.


Gold Aceron lives by his name. It’s in his blood to be good in what he does. Siya ang pinaka-angat sa aktingan. Kahit nakaka-distract minsan ang kulay ng kanyang mga mata, siya na ang pwede mong paniwalaan sa palabas na ito. Kahit wala ka ng makuha sa palabas, meron pa rin siyang naibibigay.


Kahit lumabas na ang mga bida sa entablado na nakahubad, hindi pa rin nakaka-enganyo panoorin. Nakatayo lang sila. Walang ginagawa. Yung mga audience, ang tamad ding mag-react. Climax na ata, pero hindi pa rin todo ang mga nangyayari.


For a movie that demands high energy and youthful intensity, this one’s struggling to keep things alive.


It’s giving low blood.

No energy. No tension. No pulse.


𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃

Cast: Argel Saycon, Gold Aceron, Aljon Mendoza, Freddie Webb, Jaime Fabregas, Bodjie Pascua

Jun Sabayton, Leo Bruno

Screenplay by: Angel San Jose

Story by: Trisha Mae Delez

Presented by: MAVX Productions, iWant

Release Date: April 28, 2026 on iWant

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page