Your Mother’s Son (2024)
Directed by: Jun Robles Lana
Akala mo tungkol sa May-December affair lamang, pero mas higit pa pala duon. Akala mo kilala mo na lahat ng mga karakter, pero parating may bagong impormasyon kang nalalaman tungkol sa kanila.
Maraming hubaran na naganap. Hindi sila takot na magpakita ng katawan at ng katotohanan. Tatadtarin ka nila ng hubad na katotohanan.
Anong gagawin mo sa lahat ng nakikita mo?
A lot of taboo subjects was shown, but they weren’t talked about. This film had the chance to address these issues, but all those opportunities were missed. It got contented with just showing things.
Ang mga baluktot na pananaw ay hinayaan nilang maging baluktot. Ang mga mali ay hindi na naitama. Bato sila nang bato ng mga isyu. Nagpatong-patong ito, pero ang bigat nito ay hindi nangingibabaw sa dulo.
Imbes na kaawaan mo ang biktima, maiintriga ka lang sa nangyayari sa kanya. Kapag sila’y nagtatalik, kalibugan ang nangingibabaw. Hindi ramdam ang tensyon dulot ng pang-aabuso. Kulang sa pundasyon ang kanilang relasyon para ito’y katakutan mo.
Minsan kapag may argumento, sa iba naka-tutok ang kamera. Hindi mo nakikita ang reaskyon ng mga mukha nila. Ngunit kapag sila’y nagtatalik, kitang kita mo ang mga pagmumukha nila. Almost like a Vivamax movie but on a bigger screen and with bolder moves.
The ensemble gave an all-out performance. Sue Prado stood out for being unapologetic, sensational, and riveting.
Despite strong performances, the film didn’t give a strong statement nor make a firm stand. It ended up being disturbing but not moving. It doesn’t push you to be better.
Mananatili kang anak ng nanay mo.
YOUR MOTHER’S SON
Rating: 2/5
Cast: Kokoy de Santos, Miggy Jimenez, Elora Españo, Sue Prado
Screenplay by: Jun Robles Lana & Elmer Gatchalian
Presented by: The IdeaFirst Company
Philippine Premiere: April 12, 2024 at Gateway Cinema 11
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 3
Emotions: 2
Screenplay: 1
Technical: 2.7
Message: 0.5
AVERAGE SCORE
Your Mother’s Son: 1.84
wala namang mapapanood ahahaha
Excellent film