top of page

3POL TROBOL: HULI KA BALBON!

3Pol Trobol: Huli Ka Balbon! (2019)

Directed by: Rodel Nacianceno


This movie is nothing. . . but a showcase of Coco Martin’s abilities.


Gun shooting. Horseback riding. Cross-dressing. Bamboo throwing. Ledger finding. Running and jumping. Isama mo pa ang Directing at Producing. Name them all... because Coco Martin can do them all.


Lahat ng oras. Napunta sa kanya. Wala ng natira sa iba. Wala ng oras para mag-brainstorm kung anong story ang gagawin at kung sino ang mga taong ipapasok sa movie.


Yung kwento, hindi pinag-isipan. Yung cast, hindi nag-iba. May konting bagong mukha. Pero ganun pa din. This movie is just another Ang Probinsyano episode — but a downgraded version.


Ang episode ay umikot sa paghahanap kung nasaan ba nakatago ang ledger. Kaya kelangan nyong abangan kung paano at kung saan nila makikita ang ledger. The resolution was such a groundbreaking scene. Massira ang mundo mo at paraan ng pag-iisip mo. Hindi mo lubusang maisip kung saan nila pinagkukuha ang mga ideas nila.


Kelangan niyo rin abangan kung paano matatalo ni Coco Martin si Sam Milby. Para kang nanunuod nang lutang, dahil sobrang layo sa katotohanan. Halos buong movie, ganon ang pakiramdam. Hindi mo alam kung matatawa ka nalang ba sa sobrang inis. Or maiinis dahil sa sobrang tawa o awa.


Sa huli. Parang gusto mo na lang umiyak sa napanuod mo. Hindi mo akalaing nagawa nila itong palabas nato. This movie doesn’t deserve to be made.


This movie is nothing. Period.


3POL TROBOL: HULI KA BALBON!

Rating: -1/5


Cast: Coco Martin, et al.

Presented by: CCM aka CoCoMartin

Date Released: December 25, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page