top of page

EVA

Eva (2021)

Directed by: Jeffrey Hidalgo


Si Eva ay isang kasambahay na mahilig magluto ng sausage at itlog para sa kanyang amo.


Ang amo ni Eva ay mahilig kumain ng sausage at itlog sa kanyang kwarto.


Kahit maraming kainan ang nagaganap,

Hindi ito nakakatakam.

Dahil walang sustansya ang pelikula.


Nakaka-tantrums ang mga usapan. Halatang sinisingit lang para magkaroon ng kwento. Walang pinanggagalingan ang mga pinagsasabi nila.


Andaming pinaglalaban ni Eva sa buhay. Maganda sana ang ilang mga linya niya. Pero puro siya satsat. Kulang sa gawa.


Garapal kung sa garapal ang mga sex scenes. Kung sinu-sino na lang ang nakikita mong nasa kama. Kahit mga karakter na walang kotribusyon sa istorya ay kasama na rin.


Ginawang karne ang mga artista.

Pinagsasaluhan ng lahat ng gustong makikain.


Baboy na baboy ang pangalang Eva.


EVA

Rating: 0/5


Cast: Angeli Khang, Sab Aggabao, Marco Gomez, Ivan Padilla

Presented by: Viva Films

Date Released: December 24, 2021 via web.vivamax.net

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page