top of page

IKAW

Ikaw (2021)

Directed by: Marla Ancheta


A Manila girl visits her Grandma in the Bicol region where she meets the man that would change her life.


Janine Gutierrez and Pepe Herrera is quite an unexpected loveteam. You wouldn’t easily fall for them. But with their consistency and sincerity, they were able to form a bond that’s believable.


Panalo ang kakulitan nina Pilita Corales and Vangie Labalan. Bentang benta rin ang mga banat ni Archie Alemania.


Masayang panuorin ang samahan ng mga artista. Simple lang ang mga usapan. Normal na kwentuhan tungkol sa buhay-buhay.


Ang pagiging natural ng pelikulang ito ang siyang naging daan upang matutunan mo silang mahalin.


Ngunit sadyang andami nilang gustong i-kwento... Hanggang sa nawalan na ng direksyon ang pelikula.


Pang-teleserye ang pinakita nilang istorya dahil sa haba at sa dami ng mga kaganapan. Hindi lang Book 1 ang pinakita. Pati Book 2 ay isinama na rin.


Ang mga mabibigat na desisyon sa buhay ay pinasadahan lang. Ang mahahalagang pangyayari ay bigla-bigla na lang pinapakita.


The story is too broad, overwhelming and indefinite. The title “Ikaw” is also not suitable for the movie.


IKAW

⭐️⭐️


Cast: Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Pilita Corales, Vangie Labalan, Nicco Manalo, Archie Alemania

Presented by: Mavx Productions

Date Released: November 12, 2021 via www.ktx.ph

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page