top of page

KAKA

KAKA (2021)

Directed by: GB Sampedro


Isang babaeng may palayaw na KAKA ang naghahangad ng tunay na sarap at saya. Papano at kanino niya kaya ito matatagpuan?


KAKA-bagot subaybayan ang buhay ni KAKA, dahil ang kalat-kalat ng pagkakakwento.


Hilaw ang istorya. Hindi mo alam kung bakit naging ganoon ang buhay ni Kaka. Hindi mo alam kung saan niya natagpuan ang mga kaibigan niya. Bigla na lang siyang nagkaroon ng magandang trabaho at sumikat. Tapos bigla na lang may isisingit na wedding, scandal, book at diary, para magkaroon sila ng problema at solusyon.


Pilit ang pagpapatawa at pang-aakit. Basta lang magkaroon ng sex scenes at topless shots ang mga bida. Basta lang may maipakita.


Hindi nakaka-enganyo ang mga eksena.

Kulang sa landi at libog ang mga usapan.


Walang climax ang palabas.


May aral na ibinahagi tungkol sa pagkababae. Pero hindi ito nabigyan ng importansya. Dahil taliwas ang kanilang sinasabi sa kanilang kinikilos. Aabot ka sa punto na hindi mo na alam kung bakit pa ito ginawa at pinalabas.


Sunshine Guimary is not believable in her role as a Radio DJ. Her voice lacks conviction and authenticity, discrediting every word she’d say. Ion Perez too had the same problem. Both of them got the looks and the body. But they don’t have chemistry and the acting abilities—which are essential on any lead role.


Jerald Napoles, being a natural comedian, plus the supporting cast make this movie a little less painful to watch. The appearances of some singers offer a breath of fresh air, but the way they were inserted lacks excitement and creativity.


The audio dubbing can be disturbing, because you’d hear different sound qualities in every scene.


This movie is promoted for its sexy comedy genre, but the humor is lifeless and the sexy scenes are plotless and emotionless. It’s not enticing. It’s just saddening.


KAKA-lungkot.

KAKA-yamot.

KAKA-bagot.


KAKA

Rating: 0/5


Cast: Sunshine Guimary, Ion Perez, Jerald Napoles, Rosanna Roces, Maui Taylor, Jackie Gonzaga, Debbie Garcia, Juliana Parizcova-Segovia, Lander Vera-Perez, Giselle Sanchez, Gina Pareño

Presented by: VIVA Films

Date Released: May 28, 2021 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments
bottom of page