top of page

ANG AKING MGA ANAK

Ang Aking Mga Anak (2025)

Written & Directed by: Jun Miguel

ree

Ang hirap magsabi ng masasamang words… lalo na’t puro bata ang nakikita mo sa pelikula.


Pero ang hirap ding magpigil… lalo na’t nakikita mong walk out ang mga tao sa sinehan. Minsan na nga lang may audience kapag Pelikulang Pilipino, tapos eto pa ang masasaksihan nila.


Bakit ba ipinapalabas ang ganito?


Unang eksena pa lang, basura na kaagad. From basura, nag-evolve siya into a masterpiece of shit.


Papanget siya nang papanget. Kalaban niya ang sarili niya sa worst movie of the decade. Hindi sapat ang taon para makalimutan ang kanilang kalokohan.

Brightness overload ang color grading. Parang anghel lahat ng karakter dahil kinukuha na sila ng liwanag. Tapos sa bandang huli, literal na may lumabas na anghel.


Kung hindi sila maliwanag, mukha silang anemic. Ang red ay nagiging orange. Ang blue ay purple. Magiging color blind ka nang wala sa oras. 


Nakakaloka yung mukhang gabi sa kamera 1, tapos umaga pala sa kamera 2. Tamad na tamad mag-isip ng mga shots. Pinatong lang ang kamera sa harapan, tapos hinayaan na lang sila umarte sa kanya-kanya nilang paraan.


Nag fade to black transition, pero hindi naman nagbago yung eksena. Ending na pero may bagong karakter pang pinapakilala. Maniningil lang ng utang si ate, pero pang-Avengers ang musical scoring.


Ang sound design ay inspired sa lata. Ang sakit sa tenga. Sabog na nga ang sounds, nagsisigawan pa silang lahat. Andaming monologue. Puro climax ang mga eksena. Isang oras mahigit na pinapaiyak at pinapahirapan ang mga bata. Parating pinapagalitan at sinisigawan.


Nakakaloka yung eksenang nakapatong na ang doktor sa ibabaw ng bata tapos pinupump yung dibdib. Jusko. Nakaka-trauma. Pagdating sa credits, nagpakita pa sila ng behind the scenes na para bang ang ganda ganda ng nagawa nila.


There’s no way in any universe that this movie turns out to be not bad. Kahit sinong makanuod, garantisadong ipagtatabuyan ito. Maski high school project ay maiinsulto.


𝑨𝑵𝑮 𝑨𝑲𝑰𝑵𝑮 𝑴𝑮𝑨 𝑨𝑵𝑨𝑲

Presented by: DreamGo Casting Production Services

Distributed by: Viva Films

Release Date: September 3, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page