top of page


THE HEART OF MUSIC
The Heart of Music (2025) Directed by: Paolo Bertola Alam niyo ba yung 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘰𝘧 𝘔𝘶𝘴𝘪𝘤 noon? Pwes, may lumalaban na pelikula ngayon. Kung 𝘋𝘰-𝘙𝘦-𝘔𝘪 ang signature song doon, dito naman ay 𝘖𝘯𝘦 𝘋𝘢𝘺 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘳𝘢𝘸. Tulad ng kanilang awitin, lumilipas ang oras sa pelikula nang hindi mo namamalayan. Ang isang araw ay gabi na pala. Magpapakita lang ang mga karakter kung kelan nila gusto. Biglang magkakaroon ng problema ang bawat isa. Tapos malulutas
1 day ago


LOVE YOU SO BAD
Sino ang endgame mo? Vote below. PLEASE READ: In order to vote, kindly register first via the upper right corner and click Log In / Sign up . Make sure you are logged in to your account so your vote will be counted.
2 days ago


SANA SINABI MO
Sana Sinabi Mo (2025) Directed by: Shaira Advincula The movie opens with a woman outing her deceased friend as gay during a funeral. It’s unsettling—not only because she reveals someone’s sexual orientation, but also she disrupts a moment of grief for the family. To make matters worse, the woman shows no remorse. But that’s not the main problem in the movie. It’s just the tip of the iceberg. The story follows a son yearning for answers from his late father. Intimacy is sugges
4 days ago


NASAAN SI HESUS
Nasaan Si Hesus (2025) Directed by: Dennis Marasigan Kapag merong Hesus sa pamagat ng pelikula, ang hirap magsabi ng masasamang words. Na para bang bawas ligtas points kapag napangitan ka. Unang eksena pa lang, meron na kaagad silang explanation kung tungkol saan ang mapapanuod mo. Ginawan nila ng summary ang buong pelikula. Kalagitnaan, merong actual na PowerPoint Presentation with fade in fade out text animation. Nakasulat dun kung anong nangyayari sa bansa natin. Sana in-e
5 days ago


JACKSTONE 5
Jackstone 5 (2025) Directed by: Joel Lamangan Limang bading ang nag-pageant show sa labas ng airport. Hindi mo alam kung anong ipinaglalaban nila sa buhay at bakit kailangan dun sila rumampa. Kahit nasa airport sila, hindi naglala-land ang mga jokes nila. Nagkaroon ng talent portion, pero wala kang talent na makita. Mas naipakita pa ang bukol ng ari ng mga lalaking pinagsuot nila ng white briefs. Walang plot ang pelikula. Puro daldalan lang. Na para bang nasa podcast session
6 days ago


ANG HAPPY HOMES NI DIANE HILARIO
Ang Happy Homes ni Diane Hilario (2025) Directed by: Marlon Rivera Naisantabi ni Angeline Quinto ang kanyang pagiging Queen of Teleserye Theme Songs dahil isa siyang ganap na aktres dito. May presensya siyang taglay sa big screen. Nakakatuwa rin ang tambalan niya with Eugene Domingo. Nakaka-happy silang dalawa, ngunit hindi ang pelikula. Simula pa lang, medyo alanganin na kaagad ang editing at pacing. Napuputol at tumatalon ang mga eksena. Parang nagmamadali silang magkwento.
Dec 3


SALVAGELAND
Salvageland (2025) Directed by: Lino Cayetano This movie suffers from the most common trope in action films—which is making the lead stars invincible. They tend to survive even when outnumbered. Even though the main character is physically weak and suffering from eye problem, he magically stays alive. There’s never a moment when his survival seems possible. Action scenes are so lame, making the enemies move foolishly to set up a convenient victory for the leads. In reality, a
Nov 27


KMJS: GABI NG LAGIM
EPISODE 1 of 3 Pocong (KMJS GNL 2025) Directed by: Yam Laranas Nakakatakot sana ang istorya nito. Nasa gitna ka ng karagatan, walang malapitan kung sakaling kailanganin mo ng tulong. Hindi siya nalalayo sa realidad. Nakakakilabot ang ending. Pero hindi naging maayos ang daan papunta dun. Walang agos ang pagkwento. Mabilisan at tumatalon ang mga eksena. Hindi naipakita ang buhay seaman sa loob ng barko. Dahil hindi ka nakakapit sa kanilang kwento, mabilis ka ring bibitaw sa mg
Nov 25


FINDING SANTOS
Finding Santos (2025) Directed by: Son Hyeon-woo Led by a Korean actor and a Filipino actress, the film centers on finding a man named Santos here in the Philippines. There’s a conscious effort to share some Filipino culture and traditions, both the admirable and the flawed. Korean actors get the chance to immerse themselves and experience our culture firsthand. The tribute to Filipino veterans is also appreciated, although it could've been integrated more organically. The em
Nov 22


MEET, GREET & BYE
Meet, Greet & Bye (2025) Directed by: Cathy Garcia-Sampana Kadalasan kapag ang pelikula ay tungkol sa pamilya, nagsisimula itong masaya. Ngunit iba ang kalakaran dito. May tensyon na kaagad sa paggitan ng mga karakter. Kaunting tulak lang ay pwede na silang sumabog. Maliban dun, ibang usapan pa na makita ang isang nanay na naghihirap dahil sa sakit na cancer. Mapapatanong ka kung ano ba ang mas mahirap para sa isang nanay. Ang makita ang mga anak mo na nag-aaway. O ang kiro
Nov 12


LAKAMBINI
Lakambini, Gregoria de Jesus (2025) Directed by: Arjanmar Rebeta, Jeffrey Jeturian Simula pa lang, tadtad na ng texts para sabihin kung ano ang nangyayari. Nagpakita ng ilang eksena na watak watak ang datingan. Tatlong mukha ng Lakambini ang sabay sabay na lumilitaw. Tapos bigla silang nagpaliwanag kung bakit ba ganun. Hindi mo alam kung dokyu ba ito, behind the scenes, or excerpts na pinagtagpi-tagpi. Ilang pader na ang nasira para lang pagdikitin ang lahat. May mga eksenang
Nov 6


NEAR DEATH
Near Death (Sine Sindak 2025) Directed by: Richard Somes Hindi madaling pag-usapan ang suicide. Ngunit dito sa pelikula, napaka-casual nila itong sinasabi. Na para bang bibigyan nila ng halaga ang buhay. Panay paalala na huwag magpakamatay, ngunit halos wala rin silang nagagawa para alalayan ang bida. Naglagay sila ng support group sa simula, pero para silang nasa acting audition. Naging Ogie Diaz workshop na ang datingan. Pagkatapos nun, wala na ring nangyari sa grupo. Nakak
Oct 30


THE DELIVERY RIDER
The Delivery Rider (2025) Directed by: Lester Pimentel Hindi mo kayang seryosohin ang mga nangyayari. Parang parody ng 𝘉𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘘𝘶𝘪𝘢𝘱𝘰 at 𝘉𝘶𝘥𝘰𝘺 ang atake. Walang katapusan ang buhay ng bida. Lahat ng bala na dumaan ay balewala sa kanya. Pati pagsabog ay hindi siya tinatablan. Ginawa siyang invincible. Naging literal na siyang superhero. Andaming kalaban na naghihintay lang na masaktan. Hindi sila lumalaban. Halata na praktisado ang kanilang bawat galaw upang ma
Oct 28


EVERYONE KNOWS EVERY JUAN
Everyone Knows Every Juan (2025) Directed by: Alessandra De Rossi Maganda ang direksyon ng pelikula. Alam nila kung ano ang gagawin, kung saan sila papunta, at kung paano ito ipapakita. Nakaabang ka sa bawat galaw. Hanggang sa credits portion, nakikita mo pa rin ang kanilang vision. Dahil sa paraan kung paano ginawa ang pelikula, hihintayin mo kung meron ba sa kanila ang madidiskaril. Pero lahat sila ay pwede mong maaasahan na itaguyod ang pelikula hanggang katapusan. All the
Oct 27


WALONG LIBONG PISO
Walong LIBOnG Piso (2025) Written & Directed by: Dante Balboa Parang ewan na papanuorin mo lang si Paolo Gumabao kumain ng saging habang naka white briefs, tapos bakat ang etits. Sasamahan mo rin siyang maligo, umihi, magpakita ng pwet at kili-kili. Isang mahabang foreplay video, pero hindi napunta sa aksyon at jakulan. Pinapahaba lang ang mga eksena kahit halos walang nangyayari. Puro patikim. Kulang na lang ay alukin ka niya ng full subscription para sa only fans account. M
Oct 27


ANG LIHIM NI MARIA MAKINANG
Ang Lihim ni Maria Makinang (CineSilip 2025) Written & Directed by: Gian Arre Pamagat pa lang, alam mo nang meron siyang lihim. Nung nag-umpisa na ang pelikula, confirmed na meron nga talaga siyang lihim. Ikaw naman itong abangers kung ano ba talaga ang lihim. Puro lihim na lang ang pelikula. Nagdamot sila ng impormasyon para matakam ka. Epektibo nung simula. Seryoso lahat ng mga artista kaya magtataka ka. Susundan mo ang paglalakbay ni Gold Aceron. Mahihiwagaan ka kay Aiko G
Oct 25


BABAE SA BUTAS
Babae sa Butas (CineSilip 2025) Directed by: Rhance Añonuevo-Cariño Andaming butas na binuksan ng pelikula. Sa sobrang dami, wala na siyang napasukan. May literal na butas sa pader kung saan kasya ang ari ng lalaki. Edi sinuksok nung bida yung kanya—kahit hindi siya sigurado kung sino ang susubo sa kabila. Guessing game pala ito. Akala mo dun na iikot ang lahat, pero hindi pala. Sobrang gulo ng flow. Palipat-lipat ng kwento. Kahit hindi konektado, pinagdugtong na lang ang mga
Oct 25


SALIKMATA
Salikmata / The Unseen (CineSilip 2025) Directed by: BC Amparado Hindi pwedeng mabaling ang tingin. Tutok ang mata sa pelikula dahil maya’t maya ay merong nangyayari. Maganda ang pagkakalatag sa mga eksena. Nahahati ito sa iba’t ibang chapters. Hindi lang siya basta inilagay diyan para magmukhang matalinhaga ang pelikula. Kada usad ng chapter, lalong lumalawak ang kwento. Paghihinalaan mo ang bawat karakter. Kung sino ba sila at kung ano ang pakay nila. Kapag may nangyayaring
Oct 25


MARIA AZAMA: BEST PORN STAR
Maria Azama: Best P*rn Star (CineSilip 2025) Written & Directed by: Alpha Habon 63 minutes lang ang pelikula. Unang minuto pa lang, sira na agad ang theater experience. Maiirita ka sa sound design. Kung hindi mahina ang boses, tunog lata naman ang naririnig mo. Kapag may sinasabi sila, hindi tugma sa buka ng bibig nila. Palpak ang audio dubbing. Amateurish ang pagkakagawa. Pasuko na rin ang editing. Pinagdikit-dikit na lang mga eksena. At some point, nakakatawa siyang panuori
Oct 25


DREAMBOI
Dreamboi (CineSilip 2025) Written & Directed by: Rodina Singh Kapag kailangan mo pang managinip para lang harapin ang realidad, dun mo masasabing ang hirap palang mabuhay. Minsan, ang paghihirap na yun ay naipaparating ng pelikula. Ngunit kadalasan ay natatabunan na siya dahil sa dami ng ipinapakita nilang imahe. Hindi lamang kulay ang naglalaban-laban sa screen. Pati mga effects ay agaw-pansin na rin. Minsan, sobrang derechahan ng mga linya. Kulang na lang ay tuklawin ka na
Oct 23
bottom of page
