top of page

ANG HAPPY HOMES NI DIANE HILARIO

Updated: Dec 30, 2025

Ang Happy Homes ni Diane Hilario (2025)

Directed by: Marlon Rivera


Naisantabi ni Angeline Quinto ang kanyang pagiging Queen of Teleserye Theme Songs dahil isa siyang ganap na aktres dito. May presensya siyang taglay sa big screen. Nakakatuwa rin ang tambalan niya with Eugene Domingo.


Nakaka-happy silang dalawa,

ngunit hindi ang pelikula.


Simula pa lang, medyo alanganin na kaagad ang editing at pacing. Napuputol at tumatalon ang mga eksena. Parang nagmamadali silang magkwento.


Andaming ipinapakitang mga karakter, pero halos wala pa ring nangyayari. Paiba-iba ng mood ang pelikula. Puro vibe, pero wala masyadong ganap at napupuntahan.

May pagkakataon na magsasabi sila ng mga linya para maging controversial at may representasyon ang bawat karakter. Ngunit hanggang linyahan lang. Nilalagpasan din ang kanilang mga isyu. Hindi mo sila nakikilala.


Sabi nila pamilya raw sila, pero hindi ito gaanong ramdam. Ambilis nilang magluksa at maka-move on. Nagtutulungan sila—na para bang labag sa loob nila at labas sa ilong nila.


Ang bigat ng mga linya, pero hindi tumatagos. Ang voice overs na naririnig mo ay halatang idinagdag na lang para buhayin ang ilang matamlay na eksena.


Kapag may diskusyon, hindi nila inuunawa ang komento ng bawat isa. May maglalabas ng hihinaing, tapos hindi naman sila pinapakinggan.


Kapag may problema, hindi pinag-iisipan kung may iba bang madadamay. Ayaw nila mapahamak ang kapwa nila, ngunit masyado silang pabaya at malamya sa kanilang ginagawa. Ang aksyon nila ay taliwas sa mensaheng gusto nilang iparating.


Watak-watak ang pagkakakwento, hanggang sa wala nang nabuo. Hindi naging matibay ang pundasyon para sa pelikulang ito.


𝑨𝑵𝑮 𝑯𝑨𝑷𝑷𝒀 𝑯𝑶𝑴𝑬𝑺 𝑵𝑰 𝑫𝑰𝑨𝑵𝑬 𝑯𝑰𝑳𝑨𝑹𝑰𝑶

Cast: Angeline Quinto, Eugene Domingo, Richard Yap, Paolo Contis, Luis Alandy, Carlo San Juan, Kenken Nuyad, Hershey Neri, Serena Magiliw, Rania Lindayag, Geraldine Villamil, Joel Saracho

Presented by: KreativDen

Release Date: December 3, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page