top of page

ANG PAMUMUKADKAD NI MIRASOL

Ang Pamumukadkad ni Mirasol (VMX 2025)

Directed by: Ambo Jacinto


Sex education on a Vivamax movie is a rare find, so good job to the writers for including it on the script. Recognizing the difference between love and lust is constantly highlighted.


Ang pangunahing karakter na si Mirasol ay nabigyang buhay ni Queenie De Mesa. Bagay na bagay sa kanya ang role. Natural umarte si Sheena Cole. Nakakatawa kung paano siya bumanat. Convincing at effective bilang Lola si Evelyn Jose Santos.


Stiff ang facial expressions ni Ralph Christian Engle, ngunit ramdam ang kanyang mga hugot. May charm si Ghion Espinosa, ngunit kapos sa aktingan.

Nakakaloka na parati nilang ginagawang parausan ang science lab, pero hindi sila nahuhuli. Ang right angles ng mathematics ay naging bastos na. Masaya sana kung lahat ng subjects ay pinaglaruan pa nila, ngunit hindi nila ito nagawa.


Hindi natural ang interaction ng mga estudyante at ng teacher. Halatang scripted. Hindi maganda ang pagkaka-edit at ang filters na ginamit. Biglang nag-iiba ang timpla ng kulay at ilaw . Hindi maganda ang build up sa mga eksena.


Nakakadismaya ang ending. Salat sa character development. Parang wala silang natutunan sa klase. Hindi progressive sa pag-handle sa sitwasyon na nangyari.


Hindi man ganun kaganda ang mismong pelikula, magandang hakbang na itong kanilang nagawa.


Para sa isang app na puro kalibugan ang nilalaman, mahalagang bagay na ang sex education ay pinag-uusapan. Magsilbing aral sana ang kwento ni Mirasol kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa pakikipaglandian.


𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐔𝐌𝐔𝐊𝐀𝐃𝐊𝐀𝐃 𝐍𝐈 𝐌𝐈𝐑𝐀𝐒𝐎𝐋

Rating: 2/5


Cast: Queenie De Mesa, Ghion Espinosa, Ralph Christian Engle, Sheena Cole, Evelyn Jose Santos

Headwriter: Jesi Lopez

Writers: Temi Cruz, Ezra Espiritu, Ambo Jacinto

Screenplay by: Ezra Espiritu

Release Date: May 16, 2025 on VMX (Vivamax)

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page