top of page

ASIAN PERSUASION

Asian Persuasion (2023)

Directed by: Jhett Tolentino


An Asian man tries to persuade an Asian woman to find true love and happiness.


Ang boring ng pagkakagawa sa buong movie.

Ang bland ng mga usapan.

Walang journey na pinapakita.


Ang lungkot ng scoring.

Ang tamlay ng color grading.

Hindi maganda ang cinematography.


Maayos naman sana umarte lahat ng mga artista pero pero hindi sila nagagabayan nang maayos. Masyadong de-timer kung kailan sila magsasalita at gagalaw. Ang peke tuloy minsan ng mga reaksyon nila. Yung mga jokes nagiging waley na rin.


Nagmukhang nagpapalandian lang sila magsalita ng English kung sino ang may magandang accent at pinaka-fluent.


Basta-basta silang nagsisingit ng Filipino food references gaya ng halu-halo, pancit, lechon, tapos move on na agad pagkatapos nun. May magandang topic sana tungkol sa catfishing pero dinaanan lang nila at hindi pinahalagaan.


It’s really hard to persuade yourself

that this is a good movie.


ASIAN PERSUASION

Rating: 0/5


Cast: KC Concepcion, Dante Basco, Paolo Montalban, Geneva Carr, Celia Au, Kevin Kreider, Ami Sheth, Yam Concepcion, Tony Labrusca, Rachel Alejandro, Janice Sonia Lee, Scarlett Sher, Mairin Lee, Joyce Keokham, Lilo Grunwald, Maya Encila, Imani Hanson, Devin Ilaw, Renee Rogoff, Jean-Marc dela Cruz

Presented by: Jhett Tolentino Productions

Release Date: November 29, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

2 comments
bottom of page