top of page

BABAE SA BUTAS

Babae sa Butas (CineSilip 2025)

Directed by: Rhance Añonuevo-Cariño

ree

Andaming butas na binuksan ng pelikula.

Sa sobrang dami, wala na siyang napasukan.


May literal na butas sa pader kung saan kasya ang ari ng lalaki. Edi sinuksok nung bida yung kanya—kahit hindi siya sigurado kung sino ang susubo sa kabila. Guessing game pala ito.


Akala mo dun na iikot ang lahat, pero hindi pala. Sobrang gulo ng flow. Palipat-lipat ng kwento. Kahit hindi konektado, pinagdugtong na lang ang mga eksena.


Biglang naglagay ng bossing, gwardiya at asawa na agaw eksena, pero hindi na umusad ang kanilang istorya. May tricycle driver, secretary at blogger, pero hindi ipinapakita kung anong ginagawa nila.

Magpapakita ng opisina para lang magkaroon ng sex scene. Papasok sa kubeta para magpalabas. Hihiga sa lapag para tigasan.


Matigas na daw ari niya pero paano ka maniniwala. Ang dilim dilim at halos wala kang makita. Hindi pa nga nagsisimula ang sex scene pero tinapos na agad.


Fast forward na ang nangyayari. Magkaaway tapos nagkabati agad. Hirap sa pera tapos biglang nakaahon. Mahinhin daw pero bumagay agad.


Marumi ang pagkakagawa. Nakakagulat ang mga shots. Bubulaga na lang ang mga mukha nila. Ang OA ng musical scoring. Parang iba’t ibang set ng DJ na naririnig mo sa bar.


Sumuko na ang editor. Nung una, masipag siyang maglagay ng text messages. Pero nung sumunod, wala ka nang makita sa screen. Edi hindi mo na alam kung anong pinag-uusapan nila. Sila-sila na lang ang nakakaalam sa nangyayari.


Pinaka-wasak yung ending. Nagkaroon ng summary statement para gawing nakakaantig ang lahat ng nangyayari. Emote emote sila nang walang hugot. Bakit ba kasi sila umiiyak?


Hindi naman ang mga karakter ang dumaan sa butas ng karayom, kundi ang manunuod.


𝑩𝑨𝑩𝑨𝑬 𝑺𝑨 𝑩𝑼𝑻𝑨𝑺

Cast: Van Allen Ong, Vern Kaye, Arah Alonzo, Skye Gonzaga, Karen Lopez, Marnie Lapus, Archi Adamos

Screenplay by: Azul “Blue” Alas Arjona, Rhance “Bunzo” Añonuevo-Cariño

Presented by: CineSilip, Sixth Sense Entertainment, Sine Asia International

Release Date: October 22-28, 2025 on select Ayala Malls cinemas

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page