BANGKERA
- goldwinreviews
- Apr 17
- 2 min read
Bangkera (VMX 2025)
Directed by: Temi Cruz Abad

Pang-Wansapanataym ang background music. Hindi bagay sa kanilang kwento at sa mga sex scenes. Nakakabawas ng kalibugan. Halatang peke ang mga ungol.
Hindi maayos ang ilaw at ilang mga kuha. Biglang didilim, lalabo at lalapad ang mga eksena. Gayunpaman, naipakita nila ang ganda ng location. Nakakaakit ang hitsura ng Pagsanjan Falls. Masarap itong puntahan.
Kapani-paniwala ang naging pagganap ni Micaella Raz. Kapos sa eksena kung saan ipinapakita ang kanyang pagiging bangkera, ngunit naitatawid nila ito sa ibang paraan.
Maganda sana ang ilang mga linya, pero nasisira ito kadalasan ng mga artista. Parang bata kung magsalita si Marco Mora. Kulang sa bigat at sinseridad ang kanyang pinagsasabi. Nakakabanas din ang mga posing niya. Vlogger daw ang karakter niya pero ampanget ng video na nagawa niya.
Matino umarte si Micaella Raz, ngunit hinihila siya pababa ni Marco Mora. Dahil dito, walang nabubuong chemistry sa paggitan nilang dalawa.
Hindi nailalabas ni Chester Grecia ang kanyang galit. Hindi siya convincing pagdating sa bugbugan, pero effective siya kapag bakbakan sa kama. Hindi natural umarte si Benjie Belena. Halatang praktisado. Pares-parehas ang tiyempo at paraan ng pananalita. Kailangang tutukan at pigain si ZsaZsa Zobel dahil walang emosyon na lumalabas sa kanya.
Hindi maganda ang mga character arc. Naging limitado ang aksyon ng mga karakter at hindi tumutugma minsan sa kanilang mga kinikilos at nararamdaman.
Ang bangka ay hindi naging sandata upang makatawid ang kwento. Sa huli, nanatili lang sila sa kanilang orihinal na pwesto. Hindi na sila nakausad.
𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗘𝗥𝗔
Rating: 1/5
Cast: Micaella Raz, Marco Mora, Chester Grecia, ZsaZsa Zobel, Benjie Belena
Written by: Temi Cruz Abad, Erick Castro
Presented by: PCB Film Production, Play Time
Release Date: April 12, 2025
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments