Bar Boys Musical (2024)
Direction: Pat Valera & Mikko Angeles
Musical Direction: Myke Salomon
Presented by: Barefoot Theatre Collaborative
Bagamat ang main plot ay hango sa pelikulang “Bar Boys” noong 2017, maraming binago at idinagdag para sa 2024 musical na ito.
Nabigyan ng backstory ang bawat karakter. Gets mo ang bawat isa. Nadagdagan ang mga kaso at ang classroom discussions. Nanatili ang importanteng linya at eksena mula sa pelikula, pero ginawan nila ng bagong timpla.
Ang emosyon ng mga aktor ay nakakahawa. Kasama ka nung sila’y nangarap hanggang sa sila’y nagtagumpay. Lawyer or not, you’ll be able to relate to this musical because they made the conversations universal. Nonetheless, you’ll appreciate it more if you’re studying law.
Malakas ang individual na kwento ng bawat karakter, ngunit ang samahan nilang apat ay mahina.
Ang palabas na ito ay may traverse stage kung saan nasa gitna ang entablado at may nakapwestong manunuod sa magkabilang dulo. Nakakatuwang makita ang reaksyon ng kabilang audience na nasa harapan mo. Minsan, mas umaangat ang emosyon mo dahil duon.
Kailangan umikot ng mga aktor para masilayan sila ng lahat ng manunuod. Hindi gaanong malinis ang blocking at choreography. Malikot silang tingnan, at minsan ay hindi mo na nakikita ang taong nagsasalita. Kapag marami silang nasa entablado, hindi mo na alam kung kanino ka titingin. Hindi masyadong nakatulong ang ilaw. Hindi rin sapat ang props at visuals. Kapag magkakasunod silang nagsasalita o kumakanta, hindi na magkaintindihan. Medyo mahina ang microphone. Dahil duon, hindi mo masyadong ma-appreciate ang ilan sa mga kanta.
Nakakadala ang musical scoring. Nakatulong ito upang hilain ka papunta sa eksena. Dahil sa ganda ng tunog at galing ng artista, gusto mo silang samahan sa kanilang pinagdaraanan.
Sa huli, ang pinaka-ngangibabaw sa lahat ay ang hangarin nilang magbigay ng magandang kwento na kapupulutan ng aral at leksyon.
Matagumpay nilang naihatid ang kanilang mensahe. Nakabuo sila ng malaking mundo at naging bahagi ka nun. Hindi ka nila iniwang mag-isa.
If having a beautiful story is a crime,
then this musical is guilty beyond a reasonable doubt.
If you can’t find justice elsewhere,
then this musical will serve it for you.
JUSTICE IS SERVED
here at #BarBoysTheMusical.
#BarBoys2024 | May 2, 2024 | Preview Night
留言