top of page

BECKY AND BADETTE

Becky and Badette (MMFF 2023)

Directed by: Jun Robles Lana


Finally… a perfect Filipino comedy film is now existing through the presence of 𝘉𝘦𝘤𝘬𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘉𝘢𝘥𝘦𝘵𝘵𝘦.


Eto ang kauna-unahang comedy film na nakatanggap ng 5/5 rating mula sa Goldwin Reviews.


Hindi tayo mapapahiya rito.

Sulit ang oras at pera niyo rito.


Hindi ka lang lalabas sa sinehan nang masaya, uuwi ka na alam mong sulit ang palabas na napanuod mo. Meron kang instant ROI.


Nanumbalik ang experience na humalaklak na rinig sa buong sinehan. Hindi lang halaklak, meron ding palakpak na may kasamang sigawan. Tapos magkwekwentuhan kayo after manuod kung anong mga eksena ang nakakatawa. Hindi na kayo natapos kaka-enumerate dahil andami palang nakakatawa.


Pang-Pinoy ang mga jokes. Gets mo’to dahil lumaki ka sa Pinas. Kilala mo ang tinutukoy nilang mga personalidad. Pamilyar ka sa mga linyahan. Iba’t ibang references ang meron, at ang sarap tawanan lahat ng mga iyun.


Nakaukit na sa bato na sina Eugene Domingo at Pokwang lang ang pwedeng gumanap bilang Becky & Badette. Magkaiba silang atake pero parehas silang magaling. Mahusay nilang pinaglaruan ang kanilang mga karakter, at hindi sila nagkulang sa pagbigay ng kulay at puso para rito.


Ang karamihan sa mga ekstra at special participation ay gamit na gamit din. Kahit isa o dalawang eksena lang sila, meron kang happy memory mula sa kanila.


Ang festive ng production. Ang bongga ng mga outfits. Ang sosyal ng mga hitsura nila. Ang catchy ng mga kanta. Ang lively ng mga tunog. Lahat ng masaya at maganda ay nandito na.


Kadalasan kapag comedy film, ang expectation ay sana matawa ka lang. Pero hindi lang yun ang nagawa nila, may saysay ang kanilang kwento at may laman ang kanilang mensahe. Hindi pilit ang kanilang social commentary dahil duon talaga umikot ang istorya. May tamang hugot ang bawat punchline. May lalim ang mga pasabog.


Makabuluhan ang bawat tawanan. Masarap pag-isipan at balik-balikan. Kapag sinabing comedy film, ang una mo nang maiisip ay ang kanilang mga pangalan.


The highest standard in Philippine comedy

now goes by the name of 𝘉𝘦𝘤𝘬𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘉𝘢𝘥𝘦𝘵𝘵𝘦.


Remember their names.


BECKY AND BADETTE

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Eugene Domingo, Pokwang, Agot Isidro, Romnick Sarmenta, Adrian Lindayag, Angie Castrence, Peewee O’Hara

Special Participation: Iza Calzado, Karylle, Sunshine Dizon, Via Antonio, Ice Seguerra, Sheryn Regis, Joross Gamboa, Empoy, Sharlene San Pedro, Janice de Belen, Moira dela Torre, Gladys Reyes, Christian Bables

Screenplay by: Jun Robles Lana

Presented by: The IdeaFirst Company

Release Date: December 25, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews 


See GR awards here. See GR ranking here.

🎫  WIN MMFF PASSES BY JOINING HERE: https://www.goldwinreviews.com/post/mmff-2023-passes

10 comments

10 comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
Convidado:
06 de abr.
Avaliado com 3 de 5 estrelas.

Story is the same with Romy and Michelle's High School Reunion, a 90s movie. This is just the copy cat version.

Curtir
Convidado:
05 de jul.
Respondendo a

Nope. The plot twist is different

Editado
Curtir

Christian Caballero
Christian Caballero
30 de dez. de 2023
Avaliado com 5 de 5 estrelas.

Ito talaga ang genre ng komedya

na natural na mapapatawa't halakhak ka.


Ang tambalang Pokwang at Eugene Domingo ay nakamamangha. Walang ibang puwedeng maging Becky and Badette kundi sila lang.


Lahat ng gumanap, na-utilize nila. Hindi lang sila lalabas sa iisang eksena. Maayos ang pagkakaarte ng mga artista, talaga namang in character sila.


Tulad ng ibang pelikula ni Direk Lana, makulay at malinaw ang pagkakakuha. Maaaliw ka sa tunog at musika. Bawat punchline at joke na binibitawan nila ay natural na lumalabas sa sistema nila. Ginamit nila nang mabuti ang kanilang mga ideya.


Powerful ang mensahe ng pelikula. Sumagi man na naging oportunista sila, tingnan mong maigi ang trato sa kanila. It gave an inspiration to those who are closeted…


Curtir

Convidado:
28 de dez. de 2023
Avaliado com 3 de 5 estrelas.

Im disappointed hahahaha. Nagpeak ang interest ko dahil sa 5 star rate na to kaya sobrang nalugmok ako. Nakakatawa naman pero hirap sila iempathize kasi ang tamad ng script iparamdam sa tao yung hirap ng pinagdadaanan nila. Yun lang hehehe.

Curtir

Convidado:
26 de dez. de 2023
Avaliado com 5 de 5 estrelas.

A must-see film if you are tired of watching exagerrated and non-sense Pinoy comedies!

Curtir

Convidado:
26 de dez. de 2023
Avaliado com 5 de 5 estrelas.

when i saw the rating given by GR, hinabol ko talaga siyang panuorin even though i just finished watching 2 MMFF movies kanina (Mallari & AFOT). My first assumption when i watch the trailer is baka isang flop MMFF comedy film nanaman xa so it was not part of my to watch movies in mmff this year, but pasalamat ko sa GR on giving this a 5⭐️ rating which made me curious to watch and masasabi mo talaga na walang tapon na scenes sa movie nato. The script is well research, yung mga banat nila is fresh, and Eugene Domingo is always true to her words na hindi talaga siya gumagawa nang movie na walang laman ang story and script.…

Curtir
goldwinreviews
goldwinreviews
26 de dez. de 2023
Respondendo a

Salamat pooo sa inyong tiwala. 🥹 At nakakatuwa na nagustuhan niyo rin ang pelikulaaaaaa 💛💛💛

Curtir
bottom of page