BEYOND THE CALL OF DUTY
- goldwinreviews

- Sep 5
- 2 min read
Beyond The Call of Duty (2025)
Directed by: JR Olinares

Parating successful ang operation ng mga pulis. Soafer bilis nilang mag-respond. Isang tawag lang sa 911 ay nandyan na kaagad sila. Kakausapin nila ang suspect, tapos susuko na. No any form of violence. Sumusunod sila protocol. Very demure. Very cutesy.
Ginamit ang helicopter at bangka para habulin ang criminal. May live surveillance pa. Antaray ng resources. Parang nagpapakitang-gilas lang sila, pero hindi siya nakakabilib.
Ang hirap paniwalaan ng mga nangyayari. Nakakaumay panuorin. Mahinhin ang mga eksena. Ang tahimik ng scoring. Mukhang ketchup ang dugo.
Kulang sa aksyon. Hindi ramdam ang panganib. Walang kaba at paghihirap. Nananalo sila hindi dahil magaling sila—kundi dahil mahina ang mga kalaban.
Halos perpekto ang bidang pulis. Ang bad trait lang niya ay wala siyang time sa kanyang girlfriend dahil dedicated siya sa work. Parang sagot lang natin sa job interview kapag tinanong tayong what’s your weakness.
Nabanggit sa flashback na hilig niya ang photography at music. Pero hindi na binalikan kung paano siya napamahal sa kanyang propesyon na pagpupulis.
Hindi nakikilala ang mga karakter. Magugulat ka na lang may nag-aaway at nagmamahalan na pala. Lumalabas lang ang iba para mamatay o magalit.
Walang continuity ang script. Walang focus sa kung anong nangyayari. Hindi sila nakakabuo ng matinong istorya. Lilipat sila ng eksena kung kailan nila gusto.
Mas lalo kang maguguluhan kung anong nangyayari sa loob ng Philippine Public Safety Academy. Mas lalo mong pagduduhan kung ano bang pakay ng pelikulang ito.
Whatever duty this film is meant to fulfill, it’s a total failure. They didn’t go beyond in telling a story. Not even the bare minimum.
𝑩𝑬𝒀𝑶𝑵𝑫 𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑨𝑳𝑳 𝑶𝑭 𝑫𝑼𝑻𝒀
Cast: Martin Del Rosario, Maxine Trinidad, Paolo Gumabao, Devon Seron, Mark Neumann, Sharmaine Suarez, Tyke Sanchez, Alex Medina, Christian Singson, Migs Almendras, Martin Escudero, Simon Ibarra, Dindo Arroyo, Lovely Rivero, Jeffrey Santos
Story by: JR Olinares
Screenplay by: Eldrin Veloso
Presented by: PinoyFlix Films
Release Date: September 3, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments