CANDÈ
- goldwinreviews

- Sep 25
- 2 min read
Candè (Sinag Maynila 2025)
Written & Directed by: Kevin Pison Piamonte

Bubungad sayo ang mga pagkain na hindi ka sigurado kung ano bang lasa. Kulang sa buhay ang color grading para mag-mukhang masarap ang mga putahe. Ang mga eksena ay hindi gaanong magandang tingnan. Ang mga tunog ay hindi rin malinis pakinggan.
Ngunit ang mga teknikal na aspetong ito ay hindi mo na masyadong papansinin—kapag nagsasalita na ang mga batang bida.
Pang-Best New Child actors sina Jan Junash Delima at Gian Pomperada. Nakakatuwa silang panuorin nung una hanggang sa naging nakakadala na. Natural silang umarte. Naibibigay nila ang mga emosyon sa mga eksena.
Ramdam kung paano nabuo ang kanilang samahan. Mula sa pagiging magkalaro, magkaibigan hanggang sa pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa. Nakatulong ang mga karakter at ang mga nangyayari sa paligid upang mas kapitan mo ang mga bata.
Hindi ka maiinip kapag pinapakinggan mo ang kanilang mga usapan. Maliban sa nakikilala mo sila, naibabahagi rin nila ang ilang kultura sa Iloilo. Ang Jaro fiesta at Candelaria ay tatatak sa iyong isipan.
Bitin sa mga eksenang may lutuan sa kusina at sa mga lugar na kanilang binibisita. Hindi nagamit ang pagkain at lugar upang pagandahin pa ang kwento.
The power that Candè holds is valued, although better editing and scoring could’ve enhance some emotional moments.
Kapag may problema, hindi masyadong ramdam ang bigat nito. Dumaraan lang sila at hindi pagninilayan. Kung gaano man kahirap ang kanilang dinanas, hindi rin naipakita. Kung hanggang saan umabot ang kanilang pagkakaibigan, hindi na nasundan.
Just like how this movie like to shorten names from 𝘊𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 to 𝘊𝘢𝘯𝘥𝘦, the friendship and journey of the characters are also cut short.
𝑪𝑨𝑵𝑫𝑬
Cast: Jan Junash Delima, Gian Pomperada, JC Santos, Sunshine Teodoro
Presented by: ERK Film Productions
Release Date: September 24-30, 2025 for Sinag Maynila
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments