top of page

CHEAT DAY

Cheat Day (2025)

Written & Directed by: Jose Javier Reyes


Pasintabi sa lahat ng pelikulang sinusubukang i-angat ang quality ng romcom. Magbigay-pugay sa kachakahan ng palabas na’to.


Walang chemistry ang dalawang bida. Hindi ramdam ang kanilang pagmamahalan. Habang patagal nang patagal ang palabas, mas lalo mo silang gustong paghiwalayin. Kaiinisan mo pa sila. Hindi mo alam kung anong trip nila sa isa’t isa at kung bakit tumagal ang kanilang relasyon.


Umaapaw sa red flag ang lalaki. Bulag-bulagan si babae. Hindi na sila gumagamit ng utak. Wala na ngang puso ang pelikula, wala pang pag-iisip. Parang hindi tao ang ibang karakter. Papunta na sa lokaret yung isa.


Ang cringey ng confrontation. Sobrang ewan ng ending. Kung anu-anong lecture pa ang ginawa sa umpisa, pero hindi naman ito nagamit sa huli. Akala mo progressive thinking at empowering ang script, pero kabaliktaran pala nun.


Ampanget ng mga sex scenes. Mas fake pa sa Vivamax. Hindi magandang naipasok ang cheat day concept. Sinubukang ayusin ng voice overs at animation ang kapangitan ng eksena, pero hindi swabe ang pagkakatahi.


Salat sa romance. Ang corny ng comedy. Umuusbong pa naman ngayon ang magagandang romcom tapos biglang may paganito. Nakakabanas lang. Lokohan sa sinehan ang tanging nagawa nito.


𝑪𝑯𝑬𝑨𝑻 𝑫𝑨𝒀

Rating: -1/5


Cast: Derrick Monasterio, Alexa Miro, Juan Carlos Galano, Casie Banks

Presented by: Regal Multimedia, Inc.

Release Date: June 11, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page