top of page

CINE NATIONALE 2025

RANKING FOR ALL THE SHORT FILMS OF CINE NATIONALE 2025

ree

Note that this is not in any way related to the official Cine Nationale 2025 results and is solely based on the preference of Goldwin Reviews. This is made to show appreciation to the artists behind each category.


1️⃣ LUKAS

- Emmanuel Miguel Gallardo truly embodies his character, making the film easy to connect with. Despite flaws in the film’s technical aspects, the lead actor’s sincerity and authenticity shine though. Because the storytelling remains grounded, the situation of Lukas is easily established. Even with just one scene, Marnie Lapus’ presence is felt and needed. Some other characters aren’t convincing enough to provide the necessary emotions in the scenes. Given the situation of Lucas, the ending lacks the heartfelt punch to culminate the story in an uplifting and reassuring way.


2️⃣ INDAK NG SILWETA

- Magandang tingnan at pakinggan. Maayos ang editing at scoring. Maaliwalas ang cinematography at color grading. Wala masyadong problema sa teknikal na aspeto. Pero pagdating sa emosyon, hindi ramdam ang paghihirap ng bida—pati na ang indak ng silweta. Hindi rin gaanong nakikita kung nakakasabay ba siya talaga sa kanyang mga kasamahan. Kulang pa sa pagbahagi ng karanasan mula sa bahay hanggang sa klase. Kung kaya’t hindi nakakadala ang huling eksena.


3️⃣ BANGKANG PAPEL

- May ibubuga sa aktingan at iyakan si Angelica Mabana. Nakatulong ang kanta upang palungkutin ang ilang eksena. Maayos ang unang mga usapan. Ngunit pagdating sa dulo, hindi na ito natural pakinggan. Tunog balagtasan imbes na mag-usap nang masinsinan. Ang haba ng daldalan para ipaliwanag ang nangyayari at kung ano ang sinisimbulo ng bangkang papel. Hindi nagamit ang cinematography at color grading para ipakita ang ganda ng location.


4️⃣ SAPANTAHA

- The child actresses are good, but the treatment for the scenes feel melodramatic and theatrical. The daughter’s sentiment is clear, but the excessive narration and crying make it a tiring watch. The perspective of the parents is more interesting to know, because their blatant negligence is shown unrealistically and exaggeratedly. Character development is compressed into few scenes, resulting to an ending that’s unearned and unsatisfying.


5️⃣ ANG SINAG NI ILAYA

- Nakaka-disorient na nag-iba agad ang POV mula sa handheld camera papunta sa normal shot ng isang pelikula. Nakaka-distract ang magkaibang color grading sa iisang eksena. Minsan, hindi sabay ang buka ng bibig ng karakter sa naririnig mo. Nakakasawa marinig ang nakakalungkot na scoring—na para bang dun nakasalalay kung iiyak ka ba o hindi. Walang progression. Kahit ang kaunti pa lang ang nangyayari, bigla na lang may umiiyak. Hindi tuloy mabigat ang timbang ng mga luha.


6️⃣ TAHIMIK ANG AMA NAMIN

- Sa sobrang tahimik, sa subtitles mo na lang nalalaman ang pangalan ng mga karakter. Hindi nakatulong ang chapter titles at year number para matakam ka sa kwento. Kakarampot lang ang naibahagi sa bawat chapter. Hindi nakakatakot ang mga eksena papunta sa plot twist. Dinaan na lang sa music. Kahit mag-ingay sila sa dulo, hindi malakas ang dating dahil hindi sila naglaan ng oras na ipakilala ang pamilyang ito.


7️⃣ SERENATA

- Nakakaaliw magsalita ang bida. Magkahalong tamlay at tingkad ang hitsura ng eksena—at hindi ito magandang tingnan. Hindi mo alam kung umaga, hapon o gabi na ba dahil biglang nag-iiba ang kulay ng kapaligiran. Panay landian sa simula. Paulit-ulit at pinapahaba nila ang eksena kahit alam mo na kung ano ang mangyayari. Hindi malikhain ang paraan ng exposition. Nilagay na lang lahat ng impormasyon sa mga papel at kasulatan para sabihin at tapusin ang lahat. Kulang sa gabay at nakakabahala ang ginawa nilang ending.


ree

Best Picture: Lukas

Best Director: Kurt Amante

Best Actress: Angelica Mabana

Best Actor: Emmanuel Miguel Gallardo

Best Supporting Actress: Marnie Lapus

Best Cinematography: Andrew Valencia

Best Set Design: Gwen Serrano & Emlyn Estores

Best Editing: Kurt Amante & Andrew Valencia

Best Musical Score: Kurt Amante

Best Sound Design: Kurt Amante

Best Production: Tricolor Productions


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page