top of page

CINE NATIONALE 2026

4 days ago
8 min read

RANKING FOR ALL THE SHORT FILMS OF CINE NATIONALE 2026

Note that this is not in any way related to the official results and is solely based on the preference of Goldwin Reviews. The list of GR accolades is made to show appreciation to the artists behind each category.


[Rank 1 of 6]


SakaLi (Cine Nationale 2026)

Directed by: Zsharich Dormitorio-Fernandez


Malabo ang kamera. Hindi malinis ang audio dubbing. Madilim tingnan ang mga shots. Ngunit sa kabila nito, nanatili ang boses ng pelikula. Malinaw ang gusto nitong sabihin. Hindi siya magulong panoorin.


Hindi sinsero ang naging pagganap. Halatang praktisado ang mga usapan. Parang may timer kung kailan sila dapat magsalita. Kapag pinikit ang mga mata, para kang nakikinig sa isang radio drama program sa hapon dahil medyo OA ang bitawan ng mga linya.


Dahil sa kanilang pinaggagawa, nakakaaliw na siyang panoorin. Pinaghalong seryoso at camp ang atake sa pelikula. 


Awra-awrahan ang naging pwestuhan ng mga aktor sa harap ng kamera. Kitang-kita na may kanya-kanya talaga silang blocking para lahat sila ay may spotlight. Nakapila ang mga magsasaka tapos sumasayaw pa. Nakakatuwa silang tingnan.


Ang mga kontrabida ay hindi nahihiyang maging masama. Classic move nung tinulak nila ang magsasaka sa may putukan. Sinamahan pa ng pagsampal gamit ang pamaypay. Hindi rin mawawala ang mapangkutya na tawanan. Tapos lahat ng ito ay nangyayari habang umuulan pa.


Hindi nakakaaawa ang mga bida. Hindi nakakaasar ang mga kontrabida. Pero benta kapag sila ay pinagsama. Walang gustong magpatalo.


Kahit sobrang dilim at halos wala nang makita, pinanindigan nilang mag-usap sa gitna ng mga kandila. Kahit hindi maganda tingnan, ramdam ang effect na gusto nilang ma-achieve. Maganda yung shot sa bandang huli kung saan puro dilim ang nakikita sa mukha ni ate hanggang sa siya ay unti-unting naaninag na.


Sumisigaw ang mga props, mula sa microphone na binalot sa bond paper, certificate at tarpaulin, papunta sa deed of sale na printed sa bond paper. Marami pang kailangan ayusin, pero sapat na ang kanilang ipinakita upang makapag-kwento.


Nakatulong ang kanilang mga kanta upang mas maging malakas ang boses ng pelikula. May dating at epekto ang mga musikang ginamit.


Ang pelikulang ito ay hindi nahihiyang ipagsigawan kung ano ang meron sila. Ang mga kapintasan at kakulangan ay naging armas upang sila ay patuloy na lumaban. Hindi sila natali at na-sakal sa limitadong resources.


Kung sakali man na mabigyan ito ng mas malaking budget at mas magandang equipment, alam mo na mas gaganda pa ito dahil kita mo na agad ang vision sa kanilang nagawa.


𝐒𝐀𝐊𝐀𝐋𝐈

Cast: Rich Agura, Tricia Mangubat, Von Ivan Pedrajas, Darelle Tiu, Alexandra Estrella, Gabby Abad, Lhoi Ocasion, Bernardo Loiaga

Screenplay by: Rich Agura

Presented by: Salaysinag Films

School: NU Fairview School of Arts and Sciences – BA Communication

Release Date: September 28-30, 2026 in SM Fairview Cinema 4

A Movie Review by: Goldwin Reviews

[Rank 2 of 6]


Sakay ng Hiram na Rusi (2026)

Directed by: Christian Jhep Yambao


Dalawang aktor lang ang makikita sa buong pelikula. Dahil dito, talagang mapapansinin kung paano sila umarte.


Sky Quizon’s performance is as serene as the sky. Kalmado ngunit epektibo. Nagagamit niya ang kanyang mata upang ipahayag ang kanyang saloobin. Marunong siyang magdala ng usapan upang maging natural itong pakinggan.


From Sky’s calm portrayal, James Abiera gives the total opposite, bringing a more restless energy to the scenes.


May binibigay na sigla si James. Kailangan pang timplahin ang kanyang mga reaksyon upang mas bumagay ito sa sitwasyon. Consistent ang tono ng kanyang pananalita. Mas magiging maganda pa sana ang kanyang pagganap kung magkakaroon ito ng variation ayon sa hinihingi ng bawat eksena.


In a few rare moments, the two characters are able to connect, and the background music helps in bringing them closer. Sa tuwing may kakulangan sa mga eksena, musika ang nagsisilbing tulay sa pagitan nila.


Most of the time, however, there’s still a wall separating them. The chemistry is weak, because the performances don’t always create enough tension or emotional pull between the two.


More emotional weight could’ve made the ride more affecting. With only two characters, it sometimes feels like they talk simply because there’s no one else in the scene.


The lines are written to invite different interpretations. Some answers warrant follow-up questions, but the characters deliberately avoid addressing them — perhaps to preserve the sense of intrigue and mystery.


The church, as one of their stopovers, carries an important message. The borrowed motorcycle also serves as a suitable plot device that fuels the story. The ending leaves room for reflection on what kind of relationship they truly have.


Kahit hiram lang ang mga sandali,

may ilang elemento pa ring nanatili.


𝐒𝐀𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐑𝐔𝐒𝐈

Cast: Sky Quizon, James Abiera

Screenplay by: Janelle Correa, Czarinah Baltazar

Presented by: Kaleido Pictures

School: NU Fairview School of Arts and Sciences – BA Communication

Release Date: September 28-30, 2026 in SM Fairview Cinema 4

A Movie Review by: Goldwin Reviews

[Rank 3 of 6]


Tila Walang Tala (Cine Nationale 2026)

Written & Directed by: Reeze De Guzman


May dalang ningning ang mga mata ni Annika Co. May taglay na sigla ang kanyang boses. Kapag nababalot ng dilim ang istorya, kaya niya itong bigyan ng liwanag.


Naipapakita ni Finella Angala ang pagkalugmok ng kanyang karakter. Bakas sa kanyang mukha ang kawalan ng gana. Nakatulong ang makeup na inilagay sa kanya upang mas maging malungkot ang kanyang awra.


Swak ang tambalan nilang dalawa. Bagay din ang mga musikang ginamit. Tunog pambata. Maayos ang editing. Kahit palipat-lipat ang mga eksena, sakto ang timing.


Sa unang mga eksena pa lang, alam mo na kung para saan itong pelikula at kung saan ito papunta. Kaya ang aabangan mo nalang ay kung paano ito uusad at kung paano ka dadalhin sa dulo.


Medyo dragging siyang panoorin. Walang nabibigay na bagong aspeto sa kanilang mga usapan. Hindi kumakapal ang istorya. Dinadaan na lang sa mga palamuti.


Madalas ay one-sided ang mga conversations. Kapag sumasagot ang isa, halos wala ka ring makuha sa kanya. Sayang ang pagkakataon upang magkaroon ng reflection sa buhay at sa pangarap.


Imbes na reflection, minsan ay parang nagiging dictation na siya kung ano dapat na maramdaman. Buga nang buga ng mga sasabihin at wala masyadong pakikinig. Hindi nasulit ang perspektibo na meron ang matanda at ang bata. Tila walang palitan ng mga pananaw.


Sa halip na mapunta ang liwanag sa istorya,

sa mga aktres napunta ang tala.


𝐓𝐈𝐋𝐀 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐋𝐀

Cast: Finella Angala, Annika Co, Pritzie Rosal

Presented by: Caterpillar Productions

School: NU Fairview School of Arts and Sciences – BA Communication

Release Date: September 28-30, 2026 in SM Fairview Cinema 4

A Movie Review by: Goldwin Reviews

[Rank 4 of 6]


Before The Coffee Gets Cold (Cine Nationale 2026)

Directed by: Drew Valencia


The OBB feels like a coffee-themed sitcom, setting the mood to kick off the day. It’s actually quite fitting for the film.


However, as the story unfolds, it misses the opportunity to incorporate coffee ingredients into customer interactions or use different brews to reflect their personalities.


The film keeps repeating the same kind of scenes, where the gentleman orders kapeng barako from the barista, with no variation in terms of treatment.


A few scenes would’ve been enough to establish that he needs to be “matapang” and that the barista is caring. Yet even after such a lengthy setup, the dynamic between the two leads feels like a customer service interaction than a genuine connection.


The music is often too loud, overpowering the characters rather than complementing them. Ben&Ben’s “Leaves” suits the film’s mood, but it does not truly fit the characters’ situation.


Hirap silang timplahin ang relasyon ng dalawang bida. Dahil dun, kulang sa sipa ang nangyaring plottwist. Hindi ito nakakagising. Ang ending ay maligamgam lamang.


It’s neither hot nor cold.


𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐎𝐅𝐅𝐄𝐄 𝐆𝐄𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐃

Cast: Jameson Blake, Benjie Belena

Screenplay by: Chrissie Celos, Janelle Regen, Drew Valencia

Presented by: AM Films

School: NU Fairview School of Arts and Sciences – BA Communication

Release Date: September 28-30, 2026 in SM Fairview Cinema 4

A Movie Review by: Goldwin Reviews

[Rank 5 of 6]


Sumaya (Cine Nationale 2026)

Directed by: Janvi Aldaine Estrada & Patricia Ann Saenz 


Meron kang mahuhugot mula kay Hamir Padit. May bigat siyang dinadala, at nailalabas niya ito sa tuwing umiiyak siya. Nagkaroon ng isang mahabang continuous shot ang pelikula, kung saan nagawa niyang panindigan ang kanyang karakter.


Sa kasamaang palad, ang kanyang pagganap ay hindi sapat upang itaguyod ang buong pelikula.


This film constantly screams “acting performance,” filled with contrived, melodramatic moments from start to finish.


Mahirap siyang panoorin dahil parang wala na silang alam gawin kundi ang magsigawan. Walang napupuntahan ang mga usapan. Sobrang haba ng monologue. Sobrang stretched din ng naging awayan sa paggitan mag-ama kahit paulit-ulit na sila ng pinagsasabi.


Mukhang planado ang mga rambulan upang mangyari ang mga dapat mangyari. Hindi sila natural panoorin at pakinggan. Kailangan pang gabayan ang tatay sa pag-arte. Parang nag-aalangan pa siya. Mabilis siyang nawawala sa karakter.


The idea of using a long continuous shot is promising, but the performance struggles to sustain its demands. The camera repeatedly slips out of focus, while the choice of angles makes the sequence visually distracting rather than immersive.


Hindi sapat ang ipinakitang eksena tungkol sa pagsasayaw upang ang indak ng bida ay iyong masabayan. Kulang pa sa paglahad ng kanyang mga pangarap upang siya ay ganap na kaawaan at makapitan.


Pagkatapos manood ng ganitong klaseng pelikula,

mas madaling mapagod kesa sa sumaya.


𝐒𝐔𝐌𝐀𝐘𝐀

Cast: Hamir Padit, Alexander Padilla

Screenplay by: Princess Sarah Liwayan

Presented by: Andromeda Films

School: NU Fairview School of Arts and Sciences – BA Communication

Release Date: September 28-30, 2026 in SM Fairview Cinema 4

A Movie Review by: Goldwin Reviews

[Rank 6 of 6]


Ang Lawit ni Sonaj (Cine Nationale 2026)

Directed by: Kenzo Aldrich Cabale


May 2-minute dramatic monologue na ginawa ang isang karakter para sa bida ng pelikula. Wala kang maramdaman — hindi dahil hindi magaling ang artista — kundi dahil walang kang mabalikang mga eksena upang suportahan ang kanyang mga pagdadrama. Isang beses lang sila nagkasama sa buong pelikula, tapos sobrang ikli pa.


Chop chop kung paano ipinakilala ang bida. Parating napuputol at nagmamadali. Parang nawalan na silang gana magkwento. Wala ka ring mahugot sa mga flashbacks. Parang naligaw lang silang inilagay sa pelikula.


Literal na pinagdikit-dikit lang ang mga eksena kahit walang nabubuong istorya. Favorite nilang gamitin ang transition effect na fade-to-black. Nakakabother dahil magkakasunod na mga itim na ang nakikita mo.


Mabilis na mabitawan ng mga aktor ang kanilang mga karakter. Halatang galing sa script ang kanilang binababasa.


Maganda sana yung ilang sinasabi, ngunit binabato lang nila ito basta-basta. Derecho agad sa pangaral at leksyon, kahit wala pang diskusyon na nangyayari. Ambilis nilang mag-usap. Ang awkward pakinggan.


Kulob ang audio dubbing. Hindi marinig ang tunog ng kapaligiran. Matamlay ang color grading. Mahirap makitaan ng liwanag ang palabas.


Kung ano man ang ipinaglalaban nila ay hindi ito ramdam. Kung ano man ang sinisigaw nila ay hindi marinig.


Upang ipaliwanag ang kanilang hangarin, naglagay na lang sila ng 3 slides ng mahahabang texts sa dulo. Lahat ng hindi nila maipakita ay sinabi na lang nila. Don’t show and just tell ang naging atake.


Dahil sa pinaggagawa nila, ang hirap kumapit sa palabas. Maski lawit ay hindi magawa.


𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐍𝐈 𝐒𝐎𝐍𝐀𝐉

Cast: Javier Pasiola, Joomong Lee, Aaliyah Fuentes, Beatrice Aliwalas

Screenplay by: Aaliyah Fuentes, Kim De Leon, Althea Tancioco

Presented by: Dandelion Pictures

School: NU Fairview School of Arts and Sciences – BA Communication

Release Date: September 28-30, 2026 in SM Fairview Cinema 4

A Movie Review by: Goldwin Reviews


BEST PICTURE

🥇 SakaLi

🥈 Sakay ng Hiram na Susi


BEST DIRECTOR

🥇 Zsharich Dormitorio-Fernandez (SakaLi)

🥈 Christian Jhep Yambao (Sakay ng Hiram na Susi)


BEST SCREENPLAY

🥇 Rich Agura (SakaLi)

🥈 Janelle Correa, Czarinah Baltazar (Sakay ng Hiram na Susi)


BEST ACTOR

🥇 Sky Quizon (Sakay ng Hiram na Rusi)

🥈 Hamir Padit (Sumaya)


BEST ACTRESS

🥇 Finella Angala (Tila Walang Tala)

🥈 Rich Agura (SakaLi)


BEST SUPPORTING ACTOR

🥇 Benjie Belena (Before The Coffee Gets Cold)

🥈 Lhoi Ocasion (SakaLi)


BEST SUPPORTING ACTRESS

🥇 Annika Co (Tila Walang Tala)

🥈 Darelle Tiu (SakaLi)


BEST CINEMATOGRAPHY

🥇 Romeo JJ Lanson III, Drew Valencia (Before The Coffee Gets Cold)

🥈 N/A


BEST PRODUCTION DESIGN

🥇 Keesha Go (Before The Coffee Gets Cold)

🥈 N/A


BEST EDITING

🥇 Reeze De Guzman (Tila Walang Tala)

🥈 Drew Valencia (Before The Coffee Gets Cold)


BEST MUSICAL SCORE

🥇 Reeze De Guzman (Tila Walang Tala)

🥈 Drew Valencia (Before the Coffee Gets Cold)


BEST SOUND DESIGN

🥇 Reeze De Guzman (Tila Walang Tala)

🥈 Drew Valencia (Before The Coffee Gets Cold)


BEST ORIGINAL SONG

🥇 “Ku.Ra.Kot. Siya!” — written by Von Pedrajas, performed by Christien Vher Sy (SakaLi)

🥈 “Lupang Sawi” — written by Von Pedrajas, performed by NUFV Cameo (SakaLi)


BEST ENSEMBLE

🥇 SakaLi

🥈 N/A


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page