CONMOM
- goldwinreviews
- May 23
- 1 min read
ConMom (2025)
Directed by: Noah Tonga

Nag-disguise ang isang mom
upang hindi siya makilala.
Parang ewan ang disguise na naganap. Naglagay lang ng wig, pero sobrang halata pa rin. Hindi convincing ang pagpapanggap. Anlakas ng sigaw pero hindi naririnig. Hindi na rational ang mga ginagawa nila. Walang kaba kung mahuhuli ba sila, dahil joke time na lang ang mga eksena.
Hindi ramdam ang tambalan ng mag-ina. Ang peke ng delivery sa mga linya. Salat sa sinseridad. Ang kanilang happiness at longing ay hindi tumatagos. Ang awkward panuorin ng mga patawa.
Refreshing na ice breaker ang hatid ni Elvis. Nakakatuwa sana yung mga ekstra, ngunit hindi sila lubusang nagamit. Nakakainit ng dugo ang karakter ni Kit Thompson. Gusto mong magsabi ng masasamang words kapag nakikita mo siya.
Alanganin kung paano ipinakita ang sitwasyon ng mag-asawa. One dimensional ang mga kontrabida. Ang trabaho lang nila sa buhay ay maging masama. Hindi lubusang naipakilala ang bida at ang kanyang mga kaibigan.
Ang hilig nilang mag-jolly walking para takasan ang mga problema. Ang convenient na bigla biglang nagpapakita ang mga bagong katauhan para magbigay ng solusyon.
Anlala ng mga nangyayari.
Even the best con artists can’t conceal the mess.
𝐂𝐨𝐧𝐌𝐨𝐦
Rating: 0/5
Cast: Kaye Abad, Paolo Contis, Patrick Garcia, Empoy Marquez, Kit Thompson, Isay Alvarez-Sena, Kate Alejandrino, Valerie Talion
Story by: Erwin Blanco, Rember Gelera
Screenplay: Onay Sales-Camero
Presented by: Mavx Productions
Release Date: May 21, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments