top of page

CRUSH KONG CURLY

Crush Kong Curly (2021)

Directed by: GB Sampedro


Sex worker si AJ Raval dito. Sabi ng karakter niya, “Respeto muna bago husga”.


Pero pagkatapos mong panuorin ang buong pelikula, sadyang nakapahirap itong gawin.


Nakakaawa siya rito.


Unang eksena. Nakahubad siya.

Huling eksena. Nakahubad pa rin siya.


Hinain ang buong katawan niya. Gamit na gamit ang katawang lupa niya. Wala nang natira. Kulang na lang ay maging full-length porn ang palabas.


Andami nilang sinasabi tungkol sa kung ano ang marangal na trabaho. Pero mismong palabas nila ay hindi pinapa-halaga-han yun. Hindi naman nila kailangang maghubad para maiparating ang kanilang mensahe.


Ang kailangan nila ay maayos na usapan, sinserong mga linya at magaling na pagganap. Ngunit lahat yun ay hindi nila nagawa.


Parang sinasapian si AJ Raval sa tuwing magsasalita siya. Labas sa ilong ang mga sinasabi niya. Taliwas ang mga aksyon niya sa mga sinasabi niya.


Parating may halong kabastusan ang mga linya nila. Tapos babawiin nila at magbabanggit ng matatalinhagang salita.


Hindi rin kapani-paniwala ang takbo ng kwento. Mukhang gumawa lang sila ng kwento para may rason sila na maghubad si AJ Raval.


Bigo silang ipakita ang buhay ng isang sex worker. At para gamitin itong paksa sa kanilang pelikula…


Isa itong kabulastugan.

Isa itong kabastusan.

Isa na namang kababuyan ang nagawa nila dito sa Crush Mong Curly.


CRUSH MONG CURLY

Rating: -1/5


Cast: AJ Raval, Wilbert Ross

Presented by: Viva Films

Date Released: December 17, 2021 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page