top of page

CULION

Culion (MMFF 2019)

Directed by: Alvin Yapan


This movie has a story and history to tell. Pero hindi sya naikwento nang maayos.


Individually, the actors were great. May kanya-kanya silang moment para umangat. May eksenang madadala ka dahil sa husay ng kanilang pagganap.


Mapapahanga ka sa speech ni Suzette Ranillo sa harap ng mga patients. Gusto mong pumalakpak. Lumapit sa kanya. At kamayan sya. Ramdam mo ang bawat salita nya.


Yung pagmumura ni Iza Calzado sa pelikula. Yun na ata ang pinaka-masakit na mura. Paulit-ulit syang nag-mura. Paulit-ulit din ang sakit. The words are already strong by itself. But were made even more powerful by Iza.


Walang mga salita ang mas sasakit pa sa mga matang lumuluha. Yan ang pinatunayan nila Meryll Soriano at John Lloyd Cruz nung nagtinginan lang sila nang walang linya. Wala silang sinasabi. Pero nangungusap ang mga mata nilang miss na miss na ang bawat isa.


These individual scenes can’t save the movie as a whole. Kapag pinagtahi-tahi mo lahat ng eksena, at ginawang buong pelikula. Bigo silang gawan ng magandang paglalakbay ang mga tao sa Culion. Hindi nila napag-duktong nang maayos ang mga character at ang mga problema nila sa buhay.


The friendship of the 3 main leads (Iza, Meryll and Jasmine) felt superficial. Nag-uusap naman sila... Nagtutulungan at nagdadamayan... Pero hindi solid. Wala silang chemistry. Hindi nakagawa ng magandang foundation. Mababaw na samahan lamang.


Out of all the sick girls there in the colony... bakit ba silang tatlo ang magkakasama... At paano nila nilagpasan ang problema na yun nang magkakasama.


The bit players, who were awkward in acting, felt like forced at isiningit lang para magkaroon sila ng sariling acting scene. At hindi para ipadama ang hirap at sakit ng bawat tao. Dinaan lang nila lahat sa mga matalinhagang pag-uusap.


It’s a colony not unified.

It’s a history not shared well.

It’s a movie with a few memorable scenes,

but forgettable as a whole.


CULION

Rating: 0/5


Cast: Iza Calzado, Meryll Soriano, Jasmine Curtis-Smith, Joem Bascon, Mike Liwag, Suzette Ranillo

Presented by: iOptions Ventures

Date Released: December 25, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments
bottom of page