top of page

DITO AT DOON

Dito at Doon (2021)

Directed by: JP Habac


Two strangers, who met online, establish an instant connection during the quarantine period.


The film started out strong, discussing lockdown dilemma of staying inside vs. needing to go outside. Both characters care for their family and the society, but differ in views. Both sides are true and sensible, making them easily relatable.


Mahinahon silang makipag-usap, ngunit ramdam mo ang kanilang inis. May gigil, ngunit may respeto pa rin sa bawat isa. Masayang subaybayan kung hanggang saan nila kayang dalhin ang usapan.


Napunta ang magandang usapan

sa simpleng landian.


Nagsasagutan sila, para pakiligin ang isa’t isa. Pero hindi para makilala kung sino ba talaga sila. May nalalaman kang impormasyon tungkol sa kanila. Pero hindi mo alam ang pagkatao nila.


Who are these people when they’re not talking to each other? They weren’t given the chance to make the most out of their characters.


JC Santos works as a day laborer, but fails to share his daily struggles. Janine Gutierrez graduates with honors, but fails to showcase her intelligence when situations arise. These characterizations were set aside to give way for trivial conversations.


The conversation scenes are visually appealing. They managed to break boundaries from the usual video chat room set-up. Technically, they are talking face-to-face; but story-wise, they are just talking via laptop or via cellphone.


Magkasama sila.

Pero hindi naman talaga.


Nung una, maganda siyang tingnan dahil bago sa pakiramdam. Pero kalaunan, mukhang naging kadayaan na lang para makapag-usap nang maayos ang mga karakter. Naging mahina ang kanilang koneksyon sa ginagawa nilang paraan ng pakikipag-usap.


Dahil pahina nang pahina ang kapit mo sa kanila... Pagdating sa dulo, kusa ka na lang bibitaw sa kung ano man ang pinaglalaban nila.


Dahil hindi naman nahubog nang husto ang mga karakter... Pagdating sa huli, hahanapin mo kung sino ba talaga sila at kung nasaan ang istorya nila.


Nagsimula sila dito.

Napunta sila doon.

Nawala ang gitna.


DITO AT DOON

⭐️


Cast: Janine Gutierrez, JC Santos, Victor Anastacio, Yesh Burce

Presented by: TBA Studios

Date Premiered: March 28, 2021 via www.KTX.ph

Date Released: March 31, 2021 via www.KTX.ph

0 comments

댓글

별점 5점 중 0점을 주었습니다.
등록된 평점 없음

평점 추가
bottom of page