DREAMBOI
- goldwinreviews

- 4 days ago
- 2 min read
Dreamboi (CineSilip 2025)
Written & Directed by: Rodina Singh

Kapag kailangan mo pang managinip para lang harapin ang realidad, dun mo masasabing ang hirap palang mabuhay.
Minsan, ang paghihirap na yun ay naipaparating ng pelikula. Ngunit kadalasan ay natatabunan na siya dahil sa dami ng ipinapakita nilang imahe. Hindi lamang kulay ang naglalaban-laban sa screen. Pati mga effects ay agaw-pansin na rin.
Minsan, sobrang derechahan ng mga linya. Kulang na lang ay tuklawin ka na ng mga sinasabi nila. Ngunit kadalasan ay tadtad din ito ng mga pangyayaring andaming gustong ipahiwatig.
Minsan, may mga eksena na antagal umusad kahit wala masyadong nangyayari. Ngunit kadalasan, may mga usapan sila na gusto mong mas habaan pa sana nila. Pahapyaw lang ang karamihan sa mga argumento at diskusyon. Hindi na natutuloy at nasusundan pa.
Atras-abante ang atake ng pelikula. Imbes na mapalapit ka sa karakter, hindi mo na alam kung saan ka lulugar.
Ang lakas manapaw ng mga tunog. Na para bang siya na ang nagdidikta sa nararamdaman mo.
Andaming artistang inilagay upang magsilbing representasyon, ngunit dumaraan lang sila. Andami pa sana nilang kayang ibigay, ngunit hanggang dun na lamang ang pagganap nila.
Sa kabila ng kakulangan at kaguluhan,
hindi mo ito kayang sukuan.
Masyadong mapanakit ang mundo sa labas. Dito sa loob ng sinehan, sa pamamagitan ng pelikula, panatag na ilabas ang nararamdaman. Mahirap man ang naging daan, sila ay nakatawid at lumaban.
From hiding within dreams to facing reality, let’s take control of the narrative—and how we want to tell our stories.
𝑫𝑹𝑬𝑨𝑴𝑩𝑶𝑰
Cast: EJ Jallorina, Tony Labrusca, Jenn Rosa, Miguel Almendras, Iyah Mina
Presented by: CineSilip, Spicy Mama Creative Studios
Release Date: October 22-28, 2025 on select Ayala Malls cinemas
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments