top of page

ESPANTAHO

Updated: May 29

Espantaho (MMFF 2024)

Directed by: Chito Roño

ree

May potensyal sana ang istorya,

pero ang panget ng pagkakagawa.


Ang sagwa ng flow. Walang build-up. Alanganin ang pagkaka-edit. May mga biglaang slow motion na parang ewan tingnan. Nakakatawa kung paano ibinunyag ang mga sikreto.


Halos lahat ng kanilang pananakot ay nakakasalalay sa visual effects. Sa kasamaang palad, halatang peke ang mga ito. Hindi nakakadiring tingnan. Hindi kapani-paniwala.

Kaya pala siya Rated PG… kasi hindi siya nakakatakot. Family Drama siya na may nakakatakot lang na background music. Mas nakakadala pa ang mga sigawan at dabugan nila kesa sa mga horror scenes. Sana naging drama movie na lang ito.


Ibang klase ang naganap na acting showdown sa paggitan nina Judy Ann Santos, Chanda Romero at Lorna Tolentino. Ang gagaling nilang umarte. May kirot sa puso ang huling eksena, pero huli na ang lahat para maisalba ang pelikulang ito. 


Anumang galing ng artista ay

naglalaho nang dahil sa 𝘌𝘴𝘱𝘢𝘯𝘵𝘢𝘩𝘰.


𝗘𝗦𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗛𝗢

Rating: 0/5


Cast: Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Janice de Belen, JC Santos, Donna Cariaga, Mon Confiado, Nico Antonio, Archi Adamos, Kian Co, Chanda Romero, Tommy Abuel, Eugene Domingo

Written by: Chris Martinez

Presented by: Quantum Films, Purple Bunny, CSR Films

Release Date: December 25, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

POSSIBLE NOMINATIONS:

  • Best Actress (Judy Ann Santos)

  • Best Supporting Actress (Lorna Tolentino)

  • Best Supporting Actress (Chanda Romero)

  • Best Supporting Actor (JC Santos)

  • Best Child Actor (Kian Co)

17 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
May 25

Anu pala yung konek ng pangingijig ng kamay ni juday sa storya?

Like
Guest
Jun 02
Replying to

If you have seen the movie. Something happened when she was young. She had a breakdown that causes her to have seizures. People called her crazy presumably because she was able to see and communicate with the dead. Also she was prescribed medications to prevent her seizures.

Like

Guest
May 24
Rated 5 out of 5 stars.

I'm pretty sure may igaganda pa tong movie na to kaso kulang talaga for me yung build up ng story.

Like

Narsi
May 23
Rated 5 out of 5 stars.

This is a great movie!

Like

Guest
May 23
Rated 2 out of 5 stars.

okay sana ung story, magaling umarte ung mga artista pero parang may mali talaga sa palabas na 'to.

Like

Guest
Dec 30, 2024
Rated 4 out of 5 stars.

maganda ung movie, hindi perfect pero maganda ang movie, 3/5 opinyon mo lang yan goldwin , kaw lang yan same level lang ng pangkariwan tao dto sa socmed. kahit ano pa review pinagsasabi mo ndi namn nag mamatter pangkariwang opinyon lang din nmn yan, di lang ikaw ung entitled mag review kami din mga viewers same as you, lahat ng movie maganda period wala zero rating para sa amin.. sa halip na i push mo pataas ung mga pelikulang pilipino talaga may zero rating ka nalalaman, honest review ok we respect you,, yung honest review din namin sayo di kami bilib sayo 😜😜😜✌️✌️✌️

Edited
Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page