top of page

EXPENSIVE CANDY

Expensive Candy (2022)

Directed by: Jason Paul Laxamana


Isang teacher na mababa ang sweldo ang na-inlove sa isang prostitute na mataas maningil.


Who will compromise ?


Magaling magpanggap na inosente si Carlo Aquino. Ramdam mo ang kanyang pananabik at desperasyon.


Hindi bagay kay Julia Barretto ang karakter. Mukha siyang bata na nakasuot ng sexy outfits. Pero nakaraos kahit papano dahil sa kakayahan niyang umarte.


May magagandang sandali ang pelikula dahil sa galing ng mga artista, lalo na kapag nag-uusap lang sila tungkol sa mga bagay-bagay.


Maganda ang ilan sa mga usapan tungkol sa kasaysayan at kasalukuyan. Pero hindi nagamit nang maayos para mas mahalin mo ang kanilang mga karakter.


Hindi nabigyan ng hustisya ang pagiging guro. Pambungad lamang ang pagtuturo at nabalewala na agad.


Hindi rin nailarawan ang mundo ng prostitusyon. Hindi mo makikita ang kanilang pamumuhay sa luob at labas nito. Ginawang pampaaliw lamang para sa manunuod.


Sayang ang pagkakataon na ikumpara at pagsamahan ang dalawang magkasalungat na karakter.


Naging love story na lang ang pelikula tungkol sa dalawang tao na maraming problema sa buhay. Sa dami ng problema at kaganapan, hindi mo na alam kung ano ba talaga ang pinanuod mo.


Para siyang teleserye na iba’t iba ang direktor sa bawat episode.


Kung sa Vivamax ito pinalabas, pwede na sana. Pero sa sinehan kasi.


Nanuod ka ng sine nang pagka-mahal-mahal, hindi gaanong sulit ang bayad mo.


Expensive siya.


EXPENSIVE CANDY

⭐️⭐️


Cast: Carlo Aquino, Julia Barretto

Presented by: Viva Films

Date Released: September 14, 2022 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page