FLOWER GIRL
- goldwinreviews
- 2 days ago
- 2 min read
Updated: 5 hours ago
Flower Girl (2025)
Written & Directed by: Fatrick Tabada

Nakakatuwa ang kakulitan ng pelikula. Hindi mapipirmi pwet mo dahil sa mga paandar. Nonstop ang kalokohan na dapat seryosohin. Paulit-ulit ang katanungan na dapat bigyang pansin.
Umaapaw ang jokes. Havey minsan, pero yung iba ay keri lang. Benta ang pangalan ng mga karakter. Liberating ang final scene. Malikhain ang paggamit sa mga kanta, pero saks lang ang mismong rendition. Hindi siya super bongga kapag nilapat na sa mga eksena.
Sa kanilang paglalahad, maraming pintuan ang nabuksan, ngunit hindi ito tuluyang bumukaka. Ang mga paksa tungkol sa LGBT community ay hindi masyadong napag-uusapan.
Kulang sa diskusyon. Dinadaan ang sagot sa mga quotes at one liners. Hindi two way ang naging communication. Instant ang mga realization. Hindi malakas ang naging boses.
At some point, the characters come across as charicatures with suppressed emotions and unbelievable reactions. It’s a good thing that the ensemble is diverse, bringing their own unique flair to the scenes.
Sue Ramirez can easily blend comedy with drama. Blooming ang kanyang ipinakitang talent at womanhood. Kumikinang si Maxie Andreison sa tuwing lumalabas siya sa screen. Bagamat maiksi lang ang appearance, pakak ang kanyang naging presence.
Sa kabila ng mga kakulangan ng pelikula, may naibigay pa rin itong kagandahan. Actually, the mere existence of this film is already worth celebrating.
A rainbow seed has been planted not only in the industry but also to the society. May it continue to grow and bloom into fruition.
Diligan pa ang ganitong klaseng pelikula
nang hindi mabalewala at malanta.
𝑭𝑳𝑶𝑾𝑬𝑹 𝑮𝑰𝑹𝑳
Exact Score: 2.5
Cast: Sue Ramirez, Martin Del Rosario, Jameson Blake, Maxie Andreison, Donna Cariaga, Jervi Wrightson, Mae Paner
Poster Design by: Jouache
Presented by: The IdeaFirst Company, CreaZion Studios, October Train
Release Date: June 18 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Don't watch the movie because it's dangerous for sex issues