Haikyuu!! The Dumpster Battle (2024)
Directed by: Susumu Mitsunaka
Volleyball game lang ito… Pero bakit nakakaiyak?
Habang pinapanuod mo ang pelikulang ito, mararamdaman mo na hindi lang ito basta laro para sa kanila. Ang bolang hawak nila ay ginawa nilang mundo. Dapat ingatan. Hindi basta-basta pinaglalaruan.
Bawat kilos ay may katumbas na kahulugan. Mapapatanong ka kung assuming lang ba sila, coincidence, o pinagplanuhan. Nakaka-praning silang mag-isip. Nakakahawa ang pag-uugali nilang ito. Kaya bilang manunuod, hindi lang ang mga aksyon nila ang pagduduhan mo. Pati mga salita nila ay nabibigyan mo ng ibang kulay.
May mga sinasabi ang mga karakter sa isa’t isa na pwede mong bigyan ng ibang kahulugan. Tatamaan ka sa lakas ng koneksyon nina Shoyo (OA orange hair) at Kenma (Nonchalant blonde hair).
Ang narinig mo ba ay words of encouragement…
Or words of endearment?
Hindi natin alam. Pinasa sa atin ang bola. Ang damdamin natin ay tila napaglaruan.
Andaming karakter ang nagbabatuhan ng bola at nagbobolahan. Napaka-iksi ng pelikula at hindi sapat ang oras para sa kanilang lahat. Siniksik ang iba’t ibang istorya sa ilang segundo. Tumatalon ang mga eksena. Nakakalula minsan. May mas igaganda pa ang agos ng kanilang pagkwento.
Maganda ang mga linya at ang mga simbulong kaakibat nito. Antaas ng enerhiya ng mga aktor. Ang boses nila ay masayang pakinggan. Sobrang nakakadala ang scoring. Ang laking bagay ng naririnig mong musika para tuluyang lumabas ang inyong mga luha.
Nakatulong ang mga teknikal na aspeto ng pelikula upang tumutok ka sa laban. Maliban duon, ang mensahe na kanilang sinasabi ay parating nangingibabaw.
Kahit sino man ang manalo sa paligsahang ito, hindi na ito mahalaga. Dahil sa huli, ang nanaig ay ang kanilang pagmamahal at respeto sa larong volleyball.
Walang talo sa 𝘏𝘢𝘪𝘬𝘺𝘶𝘶.
Parating panalo ang taong lumalaban.
HAIKYUU: THE DUMPSTER BATTLE
Rating: 3/5
Cast: Ayumu Murase (as Shôyô Hinata), Kaito Ishikawa (as Tobio Kageyama), Yûki Kaji (as Kenma Kozume), Yûichi Nakamura (as Tetsurô Kuroo), Kôki Uchiyama (as Kei Tsukishima)
Writers: Susumu Mitsunaka, Haruichi Furudate
Screenplay by: Susumu Mitsunaka
Presented by: Production I.G
Based on Haruichi Furudate's manga series Haikyu!!
Release Date: May 15, 2024 in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Sinong paborito mong karakter?
Shoyo Hinata
Kenma Kozume
Tobio Kageyama
Tetsuro Kuroo
I love this movie for it does not just provide the entertainment side but the lessons it brings to me as viewers. It show the resiliency,the determination,the courage and didecation to fight every second to reach your goal.eka nga no retreat no surrender sa laban ng buhay..Shoyo shows na di dahilan ang kakulangan para maabot ang pangarap..❤️😍
I love haikyuu!
Salamat! Bilang masugid na tagabasa ng Manga at manonood ng Anime series na ito, sobrang accurate ng review mo.