HIPAK
- goldwinreviews
- Jul 21
- 1 min read
Hipak (VMX 2025)
Written & Directed by: Philip King

Nakakabanas umakting ang mga fraternity boys—lalo na si Ivan Ponce. Hindi rin convincing ang mga bidang babae. Pinaka-joke time ang kontrabidang si Papa Jaime. Imbes na katakutan, pagtatawanan mo na lang. Pang-wow mali ang peg.
Mahina ang pelikulang ito sa acting at casting department. Dahil dun, hindi mo na kayang seryosohin ang mga kaganapan.
Andami nilang dada para ipaliwanag ang mga pangyayari. Andami ring narration para lang bigyan ng lalim ang pelikula. Tadtad ng melodramatic lines na hindi angkop sa kanilang mga karakter.
Ang lamya ng pagkakalagay sa “years later” at “weeks later” na para bang pagod na silang magkwento. Hindi na rin pinag-isipan kung paano ipapakita ang mga revelation scenes. Literal na nakatayo na lang sa tabi ang mga tao.
Papunta na sa BL sina Ivan Ponce at Sean De Guzman. Vape ang business, pero salat sa usapan tungkol dun. Unrealistic ang customer queries, pero hindi sila nagtataka. Naka-tutok sila sa mga twists. Hindi nila namalayan na hindi na makatotohanan ang mga eksena.
Gusto na raw magbagong-buhay ng bida, pero naka-tatlong babae siya sa isang araw. Saglit lang sila nagkasama, pero pang-eulogy na kaagad ang description niya sa mga girls. Ang tindi lang.
Imbes na hipak, mas angkop na pamagat ay hayok.
Hayok na hayok sa sex.
𝑯𝑰𝑷𝑨𝑲
Cast: Sean De Guzman, Athena Red, Stephanie Raz, Ivan Ponce, Anne Marie Gonzales, Lester San Juan, Jomar Carduce, Dominique Salcedo
Release Date: July 18, 2025 on VMX (Vivamax)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Bình luận