top of page

HONOR THY FATHER

Updated: Sep 23

Honor Thy Father (Remastered in 2025)

Directed by: Erik Matti

ree

Nakakabagot minsan panuorin dahil andaming dead air. Hindi sulit ang paghihintay sa ending. Dinaan sa kanta para tapusin ang pelikula. Naiwan sa ere ang mga nasimulang paksa at problema.


Kung iniba ang timpla sa editing, baka mas maging exciting pa ang mga nangyayari. Lumalakas ang tunog sa ilang eksena para umangat ang kaba at tensyon. Hindi siya natural pakinggan.


Masakit sa mata ang black and white version. Andaming bagay na hindi nakikita. Ang dilim tingnan. Ang mga dugo at dumi ay hindi napapansin.

Kung may nagawang maganda ang pagiging black and white nito, yun ay naging consistent ang mood ng pelikula. Ang lungkot niyang panuorin.


Naghihingalo sa liwanag at pag-asa.

Nababalot ng kadiliman at kasamaan.

Tumutugma ito sa kanilang kalagayan.


Makatotohanan ang paggawa sa mga eksena. Kahit hindi maingay, lumalabas ang mga emosyon. Kahit hindi sila gaanong ipinakilala, ramdam kung paano magtulungan ang pamilya.


Higit pa sa mga karakter, mas umaangat ang inis mo sa kanilang sitwasyon—na hindi nalalayo sa realidad. Inaabangan mo ang ginagawa nilang paghihiganti dahil gusto mong matalo ang mga kalaban.


Malaking tulong ang ginawa ng mga artista upang hindi ka sumuko sa mga nangyayari. Ambilis mabudol sa nakakadalang aktingan ni Meryll Soriano.


At a very young age, Krystal Brimner can already pull off the physical and mental demands of her character.


Ineshua sa kanyang role, pero yesh na yesh para kay Tirso Cruz III. Respeto at pagsamba para sa kanyang natatanging pagganap.


A decade may have passed, but John Lloyd Cruz’ portrayal in this film remains timeless. His dedication to his craft is seen and felt. Bestowing high honor upon the actor is deserved.


Honor The John Lloyd Cruz.


𝑯𝑶𝑵𝑶𝑹 𝑻𝑯𝒀 𝑭𝑨𝑻𝑯𝑬𝑹

Cast: John Lloyd Cruz, Tirso Cruz III, Meryll Soriano, Perla Bautista, Dan Fernando, Boom Labrusca, Khalil Ramos, William Martinez, Lance Vera Perez, Yayo Aguila, Krystal Brimner

Screenplay by: Michiko Yamamoto

Presented by: Reality MM Studios

Original Release Date: September 12, 2015 at at the Toronto International Film Festival (TIFF); December 25, 2015 at the MMFF

Remastered Release: September 17, 2025 in SM Cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page