How To Love Mr. Heartless (2022)
Directed by: Jason Paul Laxamana
Kay sarap kiliging muli.
Kay sarap makanuod ng pelikulang matutuwa ka mula simula hanggang dulo.
Makikilala mo ang mga karakter.
Malalaman mo ang pinagdaanan nila.
Mararamdaman mo ang buhay nila.
Madadala ka sa kasungitan ni Diego Loyzaga.
Pero mas madadala ka sa tuwing umiiyak na siya. Ramdam mo ang kalungkutan sa likod ng kanyang mga luha.
Si Sue Ramirez ang naghatid ng kakaibang saya sa pelikula. Bibigyan ka niya ng rason para kiligin at para mabuhay muli.
Magaan siyang panuorin. Gayunpaman, nananatili pa rin ang lalim ng kanyang pagganap.
Magaling ang mga artista. Nakakatawa ang harutan kasama ang mga kaibigan. Nakaka-antig ang mga usapan kasama ang pamilya. Natatangi ang pagganap ni Garry Lim. Kahit sa iilang eksena lang siya lumabas, nag-uumapaw ang kanyang pagiging tatay sa pelikula.
Mahusay ang batuhan ng mga linya. May angking respeto at pang-unawa sa binibitawan nilang mga salita.
Nakaka-bilib ang cinematography. Kita mo ang sinag ng araw at ang lalim ng gabi. Ang mga nangyayari sa kapaligiran ay naaayon sa mga kaganapan.
Naging maganda ang pelikula — hindi dahil maganda lang itong tingnan — kundi dahil maganda ang naibigay nitong karanasan.
Sa panahon ngayon kung saan bihira nang makita ang ngiti at tawa ng bawat tao… Narito ang isang pelikula na kayang magbibigay ng buhay at kulay sa masalimuot nating mundo.
It makes us feel the love
in this world full of heartless people.
HOW TO LOVE MR. HEARTLESS
⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
Cast: Sue Ramirez, Diego Loyzaga, Marnie Lapus, Abby Bautista, Ethan David, Ali Khatibi, Migo David, Madeleine Red, Loren Mariñas, CJ Jaravata, Ataska, Yayo Aguila, Chad Alviar, Garry Lim
Presented by: Viva Films, Ninuno Media
Date Released: August 15, 2022 via Prime Video
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentários