top of page

HUWAG KANG TITINGIN

  • 8 hours ago
  • 2 min read

Huwag Kang Titingin (2026)

Directed by: Frasco Mortiz


Ang cheap tingnan. Hindi pang-sinehan ang quality. Pang-siesta ang color grading. Yung halimaw nila ay parang may fashion crisis na pinagdaraanan dahil sa buhol-buhol niyang outfit. Mukha na siyang maitim na pansit habhab.


Parang mabilisan lang ang shooting. Kulang kulang ang mga eksena. Walang build up. Derecho agad sila climax at mga sigawan. Naging by the way na lang ang pagkwento. Manipis ang istorya. Parang ewan yung naisip na solusyon para tapusin yung sumpa.


Dinadaan sa mga texts para pagtagpiin ang mga eksena. Literal na sasabihin nila kung nasaang bahagi na ba ng pelikula. Pero kahit nilagyan na nila ng ganun, watak watak pa rin siyang panoorin.

Blanko ang mga karakter. Hindi mo sila makikilala. Ang ginagawa lang nila ay madapa, magalit, sumigaw, umiyak, mamatay. Kahit yun na nga ang gagawin ng mga artista, hirap pa rin silang umarte.


Pwedeng pwede sa comedy si Shuvee, pero hindi pang-horror. Kapag kinakabahan at natatakot siya, hindi ito lumalabas sa kanyang mukha.


Wala sa hulog ang mga reaksyon ni Anthony Constantino. Parang may sarili siyang mundo at hindi niya kasama ang mga cast. Nakaka-distract din yung pananalita niya.


Hindi swak sa mga nangyayari ang naibibigay na akting ni Sofia Pablo. Alanganin umarte si Allen Ansay. Sayang si Marco Masa. Kulang sa emosyon si Michael Sager. Kailangan pang gabayan sina Josh Ford at Charlie Fleming. Medyo okay si Sean Lucas. Pinaka-disenteng umarte si Kira Balinger sa kanilang lahat.

Nakakapang-hinayang na first movie ito kung saan nagsama-sama ang karamihan sa mga PBB Collab Housemates. Naglaho lahat ng chemistry nila pagdating dito sa pelikula. Kanya-kanya sila.


Tila napabayaan ang lahat ng aspeto ng pelikula—mula sa script, direction, cinematography, production design, musical score, editing, at acting.


Naging warning ang pamagat.

Hindi mo talaga ito nanaising tingnan.


𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆𝐈𝐍

Cast: Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Kira Balinger, Charlie Fleming, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, Shuvee Etrata

Screenplay by: Ays De Guzman

Presented by: GMA Pictures, Mentorque Productions

Release Date: April 15, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page