top of page

I REMEMBER YOU

  • Jul 9, 2025
  • 2 min read

Updated: Jul 11, 2025

I Remember You (2025)

Written & Directed by: Boboy Yonzon


Maganda sana ang mga nature shots sa Boracay. Kitang kita ang ganda nito. Pero siningit singit lang nila ito kung saan saan, at nagmukhang stock videos.


Naging hard sell ang pag-promote sa lugar at sa kanilang banko. Tila naging isang mahabang infomercial ito para ipaliwanag ang kanilang mga serbisyo.


Misleading ang poster dahil pang-special participation ang karakter ni Valeen Montenegro. Parang nag-mall-show lang siya sa Boracay for a short stint.


May side story din tungkol sa tatay na literal na naisantabi diyan sa tabi. Ipinasok at tinapos agad ang kanilang problema dahil ending na. Hindi angkop ang pamagat sa nagawa nilang pelikula.


Walang problema kina JC Santos at Valeen Montenegro pagdating sa pag-arte, ngunit walang magandang relasyon na nabubuo sa paggitan nilang dalawa. Nakakaasar ang mga patweetums nilang mga eksena.


Karamihan sa mga cast ay local actors. Ang cute nilang bumanat, pero kinikulang sila sa gabay upang sila’y mas maging kapani-paniwala.


Ang awkward ng mga usapan. Andaming sinasabi sa bawat narration. Tadtad ng mahahabang flashbacks. Mahilig silang mag-summarize ng mga pangyayari nang isang bagsakan. Exposition overload.


Hindi maganda ang sound design. Halatang pinatong lang ang kanilang mga boses. Alanganin din ang pacing at editing. Biglang nag-iiba ang mood ng pelikula. Walang focus at direksyon.


Joke time at pilit ang naging ending. Sobrang layo sa nasimulan nilang kwento. Sa huli, gugustuhin mo na lang kalimutan ang napanuod mo.


Filled with unmemorable moments, this film is better forgotten than be remembered for the wrong reasons.


𝑰 𝑹𝑬𝑴𝑬𝑴𝑩𝑬𝑹 𝒀𝑶𝑼

Exact Score: 0/5


Cast: JC Santos, Valeen Montenegro, Shamaine Buencamino, Soliman Cruz, Paolo Angeles

Introducing: Sarah Panaguiton, Early Grace Abarro, Adrianne Nicolette Cooper

Presented by: Bente Productions, Road One Pictures

Release Date: July 9, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Andrew
Jul 10, 2025
Rated 3 out of 5 stars.

I pressinoally I not liked it enough

Edited
Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page