top of page

IDOL: THE APRIL BOY REGINO STORY

IDOL: The April Boy Regino Story (2024)

Written & Directed by: Efren Reyes Jr.


Kapag tiningnan niyo ang poster at trailer,

ang expectation ay negative rating.


Kapag pinanuod niya na ang buong pelikula,

hindi pala siya ganun kapangit. Pero hindi rin naman siya maganda.


Malaking bagay na ang kinuha nilang mga artista ay yung marunong umarte. Hindi kaloka ang naging panggagaya kay April Boy Regino dahil sa mahusay na pagganap ni John Arcenas. Bagay sila ni Kate Yalung. Parehas silang maaasahan mo sa aktingan. May mga ilang sandali na nakaka-kilig at nakaka-antig.


Maliban dun, andami pang kailangan ayusin sa palabas na ito. Hindi malinis ang pagkaka-edit. Patay ang color grading. Hindi tumatama ang timpla ng audio dubbing at musical scoring. Kung hindi sobrang lakas ng background music, sobrang tahimik naman ng mga eksena.


2 hours and 18 minutes ang haba ng pelikula, pero ang kaunti pa rin ng kanilang naibigay. Hindi naikwento ang buhay ni April Boy Regino bilang isang singer. Bigla na lang siyang sumikat tapos pumunta ng Japan. Walang training o kung ano mang paghahanda.


Nakakabilib sana ang boses ni John Arcenas. Nakuha niya ang tindig at timbre ni April Boy Regino. Ngunit hindi ito nagamit para sa ikagaganda ng pelikula. Nawalan ng dating ang mga kanta dahil basta-basta na lang itong ipinapatugtog. Hindi ibinahagi ang kanyang songwriting process. Ang kwento sa likod ng sumbrero ay wala rin.


Ang hilig nilang mag-fast-forward. Puro taon na lang ang madalas ipakita. Mailap sila sa mga impormasyon. Hindi ipinapakita ang mahahalagang eksena. Masyadong nakababad sa love story at nawalan ng oras para sa ibang bagay. Hindi maganda ang direksyon na itinahak ng pelikulang ito.


Hindi na siya naging life story. Naging montage na lang siya ng halo-halong kaganapan. Hindi nasala nang maayos. Idol ang naging aktingan, pero hindi idol ang pagkakagawa.


𝗜𝗗𝗢𝗟

Rating: ?/5


Cast: John Arcenas, Kate Yalung, Tanya Gomez, Dindo Arroyo, Irene Celebre, Reyes PJ Abellana

Presented by: WaterPlus Productions

Release Date: November 27, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0.5

Emotions:  2.5

Screenplay:  0.5

Technical:  -1

Message:  0.5

AVERAGE SCORE:  0.6

0 comments

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
bottom of page