ISANG KOMEDYA SA LANGIT
- goldwinreviews
- May 31
- 2 min read
Isang Komedya Sa Langit (2025)
Directed by: Roi Paolo Calilong

Majoha and Gomburza are out.
Garbosas is in.
Nagtangka silang gawan ng parody ang history pero hindi ito naging funny. Nakakayamot ang sunod sunod na waley jokes. Nakakaawa na sa kakornihan.
Hindi convincing ang mga priests. Nagmukha silang amateur cosplayers. Labas sa ilong ang mga pinagsasabi nila. Maliban kay Jaime Fabregas, hindi mo na kayang seryosohin ang mga artista.
Ang abrupt ng mga transitions. Ang araw at buwan ay segundo ang paggitan. Nag-aabang ng masasakyan sa umaga, tapos pagpasok ng taxi ay gabi na. Kumakain sa loob ng bahay tapos ang next scene ay kainan ulit sa labas. Wala na sa logic ang flow.
Ang mga karakter dito ay celebrities daw na may box-office movie hit, pero hindi sila pinagkakaguluhan. Hindi makatotohanan ang mga kaganapan.
Puro na lang lokohan. Tambakan na ito ng comedy sketches na mas bagay i-upload sa YouTube imbes na ilagay sa sinehan. Ang mga punchlines ni Gene Padilla ay hindi makapasok sa mundo ng komedya dahil hindi ito nakakatawa. Hindi siya invited.
Tungkol sa kasaysayan ang pelikula pero kulang na kulang ito sa mga events. Dinaan na lang sa mga usapan para i-summarize ang mga nangyayari.
Naging jeje ang pananalita ng Español. Masakit sa mata ang black and white filter. Nakakairita ang fast forward effect. Malamya ang takbo ng kwento. Nakakapagod at nakakaawang panuorin.
Hindi Komedya sa Langit ang dulot nito kundi
Kahihiyan na tila kinakain ka na ng Lupa.
𝑰𝑺𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑶𝑴𝑬𝑫𝒀𝑨 𝑺𝑨 𝑳𝑨𝑵𝑮𝑰𝑻
Rating: -1/5
Cast: Jaime Fabregas, Gene Padilla, EA Guzman, John Medina, Aki Blanco, with the special participation of Carmi Martin
Written by: Rossana Hwang
Presented by: Kapitana Entertainment Media
Release Date: May 28, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Commenti