JACKSTONE 5
- goldwinreviews

- Dec 7
- 2 min read
Jackstone 5 (2025)
Directed by: Joel Lamangan

Limang bading ang nag-pageant show sa labas ng airport. Hindi mo alam kung anong ipinaglalaban nila sa buhay at bakit kailangan dun sila rumampa. Kahit nasa airport sila, hindi naglala-land ang mga jokes nila.
Nagkaroon ng talent portion, pero wala kang talent na makita. Mas naipakita pa ang bukol ng ari ng mga lalaking pinagsuot nila ng white briefs.
Walang plot ang pelikula. Puro daldalan lang. Na para bang nasa podcast session lang sila. Walang pinupuntahan ang mga usapan. Mas maayos pa ang flow ng DogShow Divas.
Andaming recap na nangyayari. Mas marami pa atang flashback kesa sa mismong eksena. Ang lakas maka-Windows Movie Maker ng effect at filter na ginagamit nila. Ampanget tingnan.
Walang sustansya ang pelikula. Sobrang ingay nilang pakinggan. Exaggerated ang kilos at pananalita. Ang comedy ay dinadaan sa bakla-baklaan.
Literal na display si Abed Green. Kung hindi siya nakahubad dito, kumakain lang siya ng lunch at dinner katabi ni Joel Lamangan o ni Arnel Ignacio. Nag-flex ng biceps si Prince Clemente. Nagpakita ng salawal si Jhon Mark Marcia.
May kinakausap sa phone si Eric Quizon pero nasa contacts lang ang kanyang screen. Na-downgrade ang Pagsanjan Falls dahil hindi kaaya-aya ang mga kuha. Nakakairitang pakinggan ang “Little Sally Water” kapag kinakanta na nila.
Closeta at may asawa yung isang karakter, pero hindi naibahagi kung paano niya nalagpasan yun. Meron ding stuntman at OFW, pero hindi masyadong naikwento ang kanilang pinagdaanan. Marami silang paksa na pwedeng pag-usapan, pero ginagawa lang nila itong punchline.
Sa huling mga sandali ng pelikula, biglang nagkaroon ng plot at resolution sa mga problemang dun lang din nila sinabi. May lumabas pa na bagong karakter na hindi mo alam kung kaninong tadyang hinugot.
Tumatandang paurong ang script. Masyadong makaluma ang atake. Stereotypical ang naging representasyon sa mga bading. Waley ang mga jokes. Dagdag imbyerna pa dahil wala kang mapulot sa mismong istorya.
Hanggang ngayon, posible pa rin palang gumawa ng pelikula na walang kalaman-laman. Tapos naipalabas pa sa mga sinehan. Laroshi malala. Ito ang 𝘑𝘢𝘤𝘬𝘴𝘵𝘰𝘯𝘦 na hindi nakaka-enjoy matunghayan.
𝐉𝐀𝐂𝐊𝐒𝐓𝐎𝐍𝐄 𝟓
Cast: Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnel Ignacio, Jim Pebanco, Joel Lamangan
With: Elora Españo, Rico Barrera, Marcus Madrigal, Jhon Mark Marcia, Abed Green
Also Starring: Angela Cortez, Prince Clemente,
Panteen Palanca, Daniela Carolino, Xixi Maturan,
Elbert II, Baisa Dwane, James Bialoglovski, Jean Marc Salvatierra, John Christopher Ventura, Ramon Adrian Sison
Story by: Joel Lamangan
Screenplay by: Eric Ramos
Presented by: APEX Creative Production, Inc.
Release Date: December 3, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments