JEONGBU
- goldwinreviews

- Sep 25, 2025
- 1 min read
Jeongbu (Sinag Maynila 2025)
Directed by: Topel Lee

Sa unang oras ng pelikula, parang nag-house tour lang sila. Pinakita yung garden, bodega, fireplace, kitchen… at kung anu-anong furniture. Mananawa ka kakatingin sa bahay.
Kahit sa pagpalit ng kobre kama hanggang sa paghugas ng pinggan, ipapakita rin nila. Home Living ang peg. Sponsored by Muji at Miniso.
Emote nang emote itong si Ritz Azul sa bawat sulok ng bahay. Hindi mo rin siya masisisi kasi maganda ang interior at exterior. Nakaka-main character. Masarap gumawa ng music video. Tapos may usok pang lumalabas every now and then.
Pagkatapos ng isang oras na house tour, bigla nilang naalala na may pelikula pala silang kailangan tapusin. Isang bagsakan nilang nilatag lahat ng sikreto. Sandamakmak na flashbacks. Tuloy tuloy at walang commercial break.
Nakakatawa ang mga nangyayari. Camp Horror na siya dahil may dalawang multo na naghahabulan at nagpa-patintero. May white lady din na undecided kung mananakot ba siya dahil magaling sumapaw si Aljur Abrenica.
Cheater ang role ni Aljur Abrenica rito. Kung kaya’t ang pamagat ng pelikula ay 𝘑𝘦𝘰𝘯𝘨𝘣𝘶—na ang ibig sabihin ay mistress.
Sarap jeongbugin nitong palabas para magising ito mula sa kapangitan. Akala mo dragging lang sa simula, pero ang lala pala niya. Nakakatakot ang mga nasasayang na oras dahil dito.
𝑱𝑬𝑶𝑵𝑮𝑩𝑼
Cast: Ritz Azul, Aljur Abrenica
Presented by: G Camp
Release Date: September 24-30, 2025 for Sinag Maynila
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments