top of page

KAPENG BARAKO CLUB: EXTRA STRONG


𝑲𝒂𝒑𝒆𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒌𝒐 𝑪𝒍𝒖𝒃: 𝑬𝒙𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒕𝒓𝒐𝒏𝒈 is a spin-off of the play 𝘒𝘢𝘱𝘦𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘬𝘰 𝘊𝘭𝘶𝘣 which we have already watched before. It was decent back then because the conversations were the main focal point of the play.


This time around, there are too many gimmicks that remove the intimacy and sincerity from the conversations. Sa sobrang dami ng mga paandar, hindi na sila nakapagkwento nang maayos. Hindi na mga karakter ang naging bida kundi ang mga paandar nila.


Alanganin at distracting ang pagiging interactive ng show. Makakatawid ang kwento kahit wala ang mga iyun. Hindi malinis ang flow at ang mga transition.


Unang tikim pa lang sa boses ni Alexa SanDiego, malalasahan mo na agad ang sarap nito. She has a tasteful voice. Minsan, nakakatulong ang live music ni Tristan Bite upang manggising ng natutulog na damdamin. Ngunit minsan, nag-aagawan ng spotlight ang mga kanta at ang mga artista.


Hindi ganun kalakas at katapang ang emosyon ng cast. Hindi natural ang tono ng kanilang pananalita. Halatang iniiba nila ito. Paiba-iba rin ang vibe ng show.


Ang istorya ay napunta sa ilalim. Napatungan ng kung anu-ano sa ibabaw. Andaming extra ingredient na nilalagay. Dahil dito, nawalan ng concentration. Hindi naging malakas ang tama.


𝑲𝒂𝒑𝒆𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒌𝒐 𝑪𝒍𝒖𝒃: 𝑬𝒙𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒕𝒓𝒐𝒏𝒈 runs from June 6-29 at Café Shylo, Pasig City. Buy your tickets at EKSENA PH.

ree

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page