Kuman Thong (2024)
Directed by: Xian Lim
Ang hinhin ng mga pananakot. Walang dating ang makeup. Dinaan na lang sa sound effects. Antagal umusad ng kwento. Hindi sulit ang paghihintay hanggang katapusan. Maiinis ka lang sa mga mangyayari. Andaming butas. Hindi pulido ang plottwist.
Umaga na pero matulog lang daw ulit. Nawawala ang bida pero hindi siya hinahanap. Namatayan yung bata pero walang trauma. Sumisigaw na yung katabi pero hindi pa rin naririnig. Hindi natural ang mga usapan. Hindi makatotohan ang mga nangyayari.
Hindi ramdam ang pagiging magkasintahan nina Max Nattapol at Cindy Miranda. Kulang ang mga eksena ng mga bata kasama ang kanilang ina. Kulang din sa bonding moments ang magkapatid. Hindi naglaan ng sapat na oras para ibahagi ang relasyon ng bawat karakter.
Iyak nang iyak si Cindy pero wala kang pake kasi hindi mo naman siya nakilala bilang isang ina. Nung nagpakita yung patay na bata, wala ring dating dahil hindi mo rin nakilala ang batang iyon. Mas magagandahan ka pa sa ilang kuha na ginawa para sa multo.
Hindi nasulit ang ganda ng Thailand. Napaka-basic ng paggamit sa “kuman thong”. Hindi napagsama ang kultura ng Pilipino at ng Thai para mas pagandahin ang kwento. Nabibilang lang sa mga daliri ang mga jumpscares, tapos lahat pa yun ay hindi nakakatakot.
Hindi ka mapapasigaw at mapapakandong sa katabi mo habang pinapanuod mo ang 𝘒𝘶𝘮𝘢𝘯 𝘛𝘩𝘰𝘯𝘨.
Walang kumandong na magaganap.
KUMAN THONG
Rating: 0/5
Cast: Cindy Miranda, Althea Ruedas, Max Nattapol, Jariya Therakaosal, Emmanuel Esquivel
Written by: Xian Lim & Iris Lee
Presented by: Viva Films
Release Date: July 3, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -1 • Emotions: 0 • Screenplay: -1 • Technical: 1.6 • Message: 0
AVERAGE SCORE: -0.4
Anong basa mo sa title?
Kuman Thong
Kuman Thot
Kuman Dong
Human Thong
No effort
Matatawa kana lng sa article na to ...May katotohanan nman ang mga binanggit kahit diko pa napanood at wala din ako balak panuorin after this goldwin reviews..