LAKAMBINI
- goldwinreviews
- 1 day ago
- 1 min read
Updated: 18 hours ago
Lakambini, Gregoria de Jesus (2025)
Directed by: Arjanmar Rebeta, Jeffrey Jeturian

Simula pa lang, tadtad na ng texts para sabihin kung ano ang nangyayari. Nagpakita ng ilang eksena na watak watak ang datingan. Tatlong mukha ng Lakambini ang sabay sabay na lumilitaw. Tapos bigla silang nagpaliwanag kung bakit ba ganun.
Hindi mo alam kung dokyu ba ito, behind the scenes, or excerpts na pinagtagpi-tagpi. Ilang pader na ang nasira para lang pagdikitin ang lahat.
May mga eksenang pang-teatro ang atake. Meron ding pang-pelikula. Kapag kulang ang mga eksenang nakunan, maglalagay ng interview upang ito’y punan. Mahilig din sila maglagay ng quotes, petsa, chapter titles, at event details. Andaming iba’t ibang paraan ng pagkwento. Hindi swabe panuorin.
Magaling umarte ang lead cast, ngunit karamihan sa mga supporting cast ay hindi makatotohanan ang aktingan. Hindi rin okay ang blocking at ang hitsura ng mga kuha. Halata kung alin sa mga eksena ang matagal nang nakunan, kumpara dun sa mga bago. Kitang kita ang pagbabago sa mukha ni Rocco Nacino.
Ang pagmamahalan ay biglang nabubuo. Walang bwelo. Gulatan kung paano umusad ang kwento. Imbes na makilala ang bida, mas nabigyan ng pansin ang mga lalaki sa buhay niya.
Maganda sana ang intensyon ng pelikula. Nakakaantig ang ending. Hindi maiwasang isipin kung anong magiging kinalabasan nito— kapag nabigyan ng tamang budget at magandang production.
𝑳𝑨𝑲𝑨𝑴𝑩𝑰𝑵𝑰: 𝑮𝑹𝑬𝑮𝑶𝑹𝑰𝑨 𝑫𝑬 𝑱𝑬𝑺𝑼𝑺
Cast: Lovi Poe, Elora Españo, Gina Pareño, Rocco Nacino, Paulo Avelino, Spanky Manikan
Written by: Rody Vera
Release Date: November 5, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
